Ipinakita ng mga supporters ng Daang Matuwid na hindi na kayang manahimik ang “silent majority.” Iisa ang sigaw ng koro: ‘Roxas Robredo!’

Higit-kumulang isang buwan bago ang eleksyon sa May 9, nagsama-sama para sa pagpapatuloy ng Daang Matuwid ang mga kaalyado at supporters nila sa Club Filipino, San Juan, Greenhills, nitong umaga (April 14).

Buong-puwersa ang pagpapakita nila ng suporta sa mga tagapagtaguyod ng Daang Matuwid na sina Mar Roxas and Leni Robredo, kasama ang mga miyembro ng Team Daang Matuwid senatorial slate na kinabibilangan nina Ina Ambolodto, Leila de Lima, Frank Drilon, TG Guingona, Risa Hontiveros, Mark Lapid, Cris Paez, Kiko Pangilinan, Icot Petilla, at Ralph Recto.

Limampu’t lima (55) sa 80 na gobernador at 200 sa 280 na kongresista mula sa buong bansa ay nakiisa rin sa pagpapatuloy ng Daang Matuwid.

Isa rito si Congresswoman Maricar Zamora ng Compostela Valley, na nagsabing si Roxas, noong siya’y Interior and Local Government Secretary, ang isa sa pinakaunang opisyal na pumunta sa Region XI noong tumama ang Bagyong Pablo noong 2012.

“Kung ano ang pagbabago sa Compostela Valley ng Region 11 sa Bagyong Pablo, ito ang pagbabagong gusto naming ipagpatuloy,” wika niya.

Nagbigay-boses rin ng pagsuporta ang representante ng Bataan na si Geraldine Roman, ang unang kandidatong transgender para sa Kamara de Representante.

“Hindi porke babae, bayot, bakla, o tomboy, ay hindi kwalipikado at mahina,” ani niya.

Para sa kanya, “Karanasan at kaalaman, ito dapat ang batayan ng pagpili ng kandidato. There is no other choice but Mar Roxas and Leni Robredo.”

Kasama rin sa pagsasalo ang mga kaalyado ng Koalisyon ng Daang Matuwid na mula sa iba’t ibang partido, tulad ng Nationalist People’s Coalition (NPC), Nacionalista Party, at National Unity Party (NUP).

Isa si Governor Hermogenes Ebdane ng NPC sa mga tumayo para sa Daang Matuwid. “Nakikita namin na ang pag-asa ng Pilipinas ay nasa isang ekonomista,” sabi niya.

Mayroon ring mga sumusuporta mula sa iba’t ibang sektor gaya ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), pati na rin mga miyembro ng transport groups tulad ng Federation of Jeepney Owners and Drivers of the Philippines (FEJODAP).

Apat na milyon at anim na daang libong (4.6 milyon) pamilya ang natutulungan ng 4Ps sa ilalim ng administrasyon ng Daang Matuwid, at balak ni Roxas na dagdagan ang bilang na ito ng dalawang milyon pa.

Ani Marites Arca na kasama sa programang 4Ps, “Kaming mahihirap noon pa ay hindi pinapansin. Masama daw kami. Pero ngayon po nagkaroon kami ng dignidad sa 4Ps. Maipagyayabang ko talaga na nakinabang kaming mahihirap sa 4Ps.”

Prayoridad rin ni Roxas ang pagmomodernisa ng mga jeepney sa Pilipinas. Isa sa kanyang mga pinaplano ay ang pagsimula ng three-year transition period to clean energy sa pamamagitan ng pag-upgrade ng mga jeepney sa paggamit ng Compressed Natural Gas para mas malinis as mas kakaunti ang carbon emissions nito.

“Siya lamang ang may plano para sa amin sa transport sector,” sabi ni Zeny Maranan ng FEJODAP.

Para naman kay Congressman Yeng Guiao ng unang distrito ng Pampanga, si Mar Roxas ang unang naniwala sa paglilipat ng main airport mula sa Manila patungo sa Clark, Pampanga.

“Naniwala siya na ikauunlad ito ng Pampanga at ng buong rehiyon,” wika niya. “Magsisimula na rin ang rail system mula Tutuban hanggang Clark.”

Bilang isang bantog na basketball coach, natural na inihalintulad ni Guiao ang pagsulong ng Daang Matuwid sa paboritong laro ng mga Pilipino.

“Fourth quarter na. Hindi na kailangan si Clay Thompson o si Stephen Curry. Meron tayong Leni Robredo at Mar Roxas. Uulan na ng 3 points.”

##