Statement of Quezon City Mayor Herbert Bautista, Vice Mayor Joy Belmonte, Cong. Francisco Calalay, Cong. Bolet Banal, Cong. Winston Castelo, Cong. Feliciano R. Belmonte, Cong. Alfred Vargas, and Cong. Kit Belmonte
In support of Mar Roxas and Leni Robredo
[March 28, 2016]

Ang Quezon City ay taos-pusong naghahayag ng suporta para kina Mar Roxas at Leni Robredo. Kaisa kami sa kanilang layunin na ibalik ang Pilipinas sa mga disenteng Pilipino. Naniniwala kami na sa pamumuno nina Mar at Leni, mas lalong magniningning ang City of Stars.

Dahil kay Mar, makikita sa Eastwood, sa Fairview, sa Cubao, at sa Muñoz ang mga call center na nagbibigay ng trabaho sa napakaraming tao. Maraming pamilya ang nililikas mula sa mga danger zones. At sa kanyang Roxas law, nabigyan ng patas na bahagi ng pondo sa edukasyon ang mga estudyante sa Batasan at Payatas.

Dahil sa Daang Matuwid, 38,878 pamilya sa aming lungsod ang nabibigyan ng pag-asang makabangon dahil sa 4Ps. Nakapili ng 36 proyekto ang mga mamamayan sa ilalim ng BUB. Ilan lang yan sa mga dahilan kung bakit ang nangunguna ang liderato ng Quezon City sa pagsulong ng tambalang MAR at LENI.

Kung mayroong marangal at mahusay na pamumuno, mas malayo pa ang maabot ng Quezon City. At gusto namin, maramdaman ng lahat ng bayan at lungsod sa buong Pilipinas ang kaunlaran at kaginhawaang dala ng pamumunong matuwid. Ito ang ibibigay sa atin ng Tambalang Matuwid. Kaya kami, ROXAS-ROBREDO sa Mayo!

##