Speech of
Mar Roxas
At the University of Perpetual Help System
Las Piñas, Metro Manila
 

[March 1, 2016]

Maraming-maraming salamat, ma’am, Vice President Menchu Tamayo for your very kind and gracious introduction. Palakpakan po natin, vice president Menchu Tamayo. [Palakpakan]

Sa ating batang-bata, makisig, masipag, mahusay na pangulo ng University of Perpetual Help System, President Anthony Tamayo, palakpakan po natin. [Palakakan]

Mabuti pa si Anthony, pangulo na. [Tawanan at palakpakan] Ang namumuno din po ng ating University of Perpetual Help Hospital System, mahusay, at talagang epektibo ang pamumuno, Richard Tamayo. Palakpakan din po natin. [Palakpakan]

Sa ating school director, Dr. Alfonso Loreto, magandang hapon po. [Palakpakan]

Sa ating Justice, Court of Appeals Justice, na panauhan din dito sa University of Perpetual Help, Justice Zenaida Laguilles. Palakpakan din po. [Palakpakan]

Sa pamunuan po ng University of Perpetual Help, sa ating mga administrators, sa ating faculty, ating mga guro, at higit sa lahat sa ating mag-aaral, dito sa University of Perpetual Help:

Magandang-magandang hapon po at maraming salamat sa napakainit ninyong pagtanggap sa amin. [Palakpakan]

Napakaganda ng pagpapakilala sa akin ni Vice President Menchu. Ang sumatotal nito ay nandito ako para sabihin din na dumating na si Senator Mark Lapid. Palakpakan po natin. [Palakpakan] Ayan! Pero of course, nadinig ninyo kanina, napakahusay at talagang karapat-dapat lamang ang kanyang isinusulong tungkol sa kooperatiba. Alam nating lahat ‘yun eh.

Alam natin na kung solo tayo, nag-iisa tayo, maliit ang boses natin, mahina. Pero sa pamamagitan ng pagbuklod-buklod, at sa pamamagitan ng pagsama-sama, nagiging mas matatag ang ating tinig. ‘Yan ang Cooperative Movement. Chris Paez sa pagkasenado, para sa cooperatives. [Palakpakan]

And of course, talagang pinagmamalaki ko—I’m so very proud. I think I have the best vice president na tandem sa buong Pilipinas. [Palakpakan] Damang-dama ninyo, nadinig ninyo ‘yung kaniyang sinseridad. Kita ninyo ‘yung kanyang kusang pagnanais na maglingkod; wala nang ibang agenda. Walang pansarili, dahil kung pansarili lang ang inisip niya, puwede naman na nanahimik na siya eh.

She has three beautiful, wonderful daughters, your age, in school. Single mother siya. Bagong biyuda. Kung inisip lang niya ‘yung sarili niya, puwede naman na nanahimik na lang. Sasabihin niya sa akin, sabihin niya sa mga kababayan niya sa Naga, sasabihin niya kay Pangulong PNoy, “Alam n’yo po, hanggang dito na lang po ako. Nagsakripisyo na ‘yung mister ko. Puwede naman manahimik na lang kami.”

Pero, tulad ng parati niyang sinasabi, noong naisip lang ito, hindi niya kakayanin talikdan ang kanyang mga kababayan. Hindi niya kakayanin talikdan ang pangangailangan ng ating mga kababayan. Kaya kahit pa biyuda, tatlo ang dalagang anak, sumabak muli sa pagiging lingkod bayan! I’m so very proud, Vice President Leni Robredo. [Palakpakan].

Sa totoo lang ay naghahalo ang tuwa at nerbyos sa kalooban ko na makaharap po kayo ngayong hapong ito. But natuwa ako dahil masasabi na ang kausap ko ngayon ay ang kinabukasan ng ating bansa. [Palakpakan]

Hindi pa naman ako lolo, pero may anak din ako. Nag-aaral din siya, second year college, tulad ng marami sa inyo. Pero dadating ang panahon na magiging lolo na rin ako. At ‘yung Pilipinas na magiging ‘pag naging lolo na ako, ang huhubog niyan, ang gagawa niyan, ay walang iba kundi kayo. [Palakpakan] Kaya kayo ang kinabukasan ng ating bansa.

Kaya natutuwa ako at ninenerbyos ako. Ninenerbyos ako dahil napakabigat ng tungkulin at pagkakataon na ito na harapin kayo ngayong hapong ito. Halimbawa, dito, we have our maritime students. Palakpakan po natin. [Palakpakan] Dapat lang lahat tayong mga Pilipino ay maging proud—proud about our maritime heritage. [Palakpakan] Walang barko, walang kargo sa buong mundo, walang gumagalaw na hindi kasama ang isang Pilipinong marino na nagmamaneho niyang mga kargo at barkong ‘yan. [Palakpakan]

Totoo ‘yan! [Mga tao: Yes!]

Isa, taas n’yo daliri ninyo, isa sa lahat ng, isa sa bawat apat, isa sa bawat apat na marino sa buong mundo ay Pilipino. [Palakpakan] Totoo ‘yan! Totoo ‘yan!

Itong tatlo, hati-hati na sila lahat: Greco, Indonesian, Indian—lahat na ‘yan. Pero isa sa bawat apat ay Pilipino. Masasabi na ang takbo ng negosyo sa buong mundo ay dahil Pilipino ang nagpapatakbo ng mga barko sa buong mundo. [Palakpakan]

Para sa kanila, ano ang programa ng Daang Matuwid? Ano ang programa ni Mar Roxas, Leni Robredo, Chris Paez, Mark Lapid? Bakit mahalaga sa amin na kinikilala natin ang kahalagahan ng Pilipinong marino?

Ang programa natin ay manatili tayo sa tinatawag na STCW. Alam n’yo ‘yan di ba? [Mga tao: Yes!] ‘Yan ang international na kasunduan nagsasabi ‘pag ang isang Pilipino ay nakatanggap na ng Seaman’s Card, ‘yung Seaman’s Book, na simbolo na alam niya ‘yung mga dapat niyang alam, tanggap na siya sa iba’t ibang kumpanya sa buong mundo. Kaya, para sa kanila, para sa iba pang tulad nila sa buong Pilipinas na nag-aaral sa pagkamarino, napakahalaga na napagkakatiwalaan ang ating gobyerno. Dahil gobyerno natin ang nagbibigay ng Seaman’s Book.

Isipin natin ha, anong mangyayari sa kanila, ano ang mangyayari sa daang daang libong tulad nila na mga marino kung bigla na lang sabihin ng mundo, “Hindi na namin tatanggapin ang Seaman’s Book ng Pilipinas”?

Napakaimportante ang kredibilidad. Napakaimportante na ginagawa natin ang lahat na manatili tayo at par, manatili tayong compliant, manatili tayong pasado sa international na mga patakaran na ito dahil  those regulations are not ends in themselves. Those regulations allow each and every single one of our students here to have a future. ‘Yan ang Daang Matuwid. ‘Yan ang ating isusulong. [Palakpakan].

Noong umiikot kami, nagpapakilala ni Leni, marami rin dito kasama sa HRM at saka sa Tourism. Taas ang kamay, mga nasa tourism, HRM. Ayun. Ayun, sa likod. Okay.

Ano ang programa ng Daang Matuwid, ano ang programa ni Mar Roxas at Leni Robredo para sainyo? Tulad ng ating mga marino, nakatutok kami sa trabaho para sa inyo. Dahil ‘pag maytrabaho, doon nagsisimula ang magandang buhay ng bawat isa.

Naalala ko noong ako’y nag-aaral pa, many, many, many, years ago, tulad ninyo, nagtatanong ako, “Ano kaya ang mangyayari sa akin?” Martial Law noon. Nasa oposisyon kami kay Marcos. Alam ko, wala akong kinabukasan sa Pilipinas. Nag-aaral ako, naiisip ko, “Magkakatrabaho kaya ako? Makakapagsimula kaya ako ng pagpundar ng sariling buhay? Ano ang mangyayari sa akin?” Nag-graduate ako. Dumaan ilang linggo, ilang buwan—in short, naka-stand-by ako. Stand-by lang ako. At stand-by din ang buhay ko dahil parang wala kang ginagawa. Wala kang trabaho. Wala kang kontribusyon. Hindi ka kumikita. Hanggang isang araw dumating ang sulat na nagsasabi, tanggap ako sa trabaho. Bukang-liwanag kaagad ang mundo ko. Dahil may trabaho ako, alam ko na may maasahan na akong kita. Alam ko na may pambili na ako ng pagkain. Alam ko na may maitatabi na akong ipon. Alam ko, na itong ipon na ito, magagamit ko sa pagpundar ng isang maliit na negosyo. Ibig sabihin, dahil may trabaho, nagiging mas maginhawa na ang buhay ko. ‘Yan ang dahilan kung bakit ang programa natin sa Daang Matuwid ay nakatutok sa paglikha ng trabaho.

At importante [iyon] doon sa turismo. Bakit? Sa turismo, ‘yan ang industriya kung saan napakabilis lumikha ng trabaho. Kailangan natin ng turismo. kailangan natin ng mga turista, kailangan natin ang mga dolyar ng turista na siyang magbibigay ng kabuhayan para sa atin. Kaya ‘yung ating mga magga-graduate sa HRM at saka sa Tourism, nakatutok ang Daang Matuwid sa paglilikha ng trabaho para sa inyong sector. [Palakpakan]

Isa sa mga patunay na nakatutok kami sa sektor ng turismo ay kasama natin sa senado ang isang tao na namuno sa TIEZA. TIEZA is [Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority]—eco-zone ng turismo. ‘Di ba? Walang iba kundi si Mark Lapid. Palakpakan natin si Mark Lapid. [Palakpakan]

Alam ni Mark kung papaano mang-akit ng mga investors, kung papaano mag-promote ng mga tourism sector, para dumami ang mga turista rito, magkakaruon ngayon ng trabaho ang ating mga HRM and Tourism graduates. Palakpakan po natin ang sa turismo. [Palakpakan]

Kaya natutuwa po ako na nandito tayo sa isang pagpupulong tulad ng nasabi ni Ma’am Menchu—may Q&A maya-maya. Siguro doon kami maaaring magbigay ng detalye sa aming mga programa.

Pero bago ako magtapos, siguro isa o dalawang bagay lang na nais kong ipamahagi sa inyong lahat.

Una, learn ang be competent in English. Very, very important ‘yan. English is the language of international commerce. English is the language of international travel. Lahat ng forms sa lahat ng barko, kahit na ang may-ari ng barko ay Griyego, Ruso, Brazilian, American o kung ano pa. Lahat ng barko, lahat ng forms, lahat ng customs forms, lahat ng manuals sa lahat ng equipment is all written in English. Kaya importante ‘yung English. Isa ‘yan sa mga tip na nais kong ipamahagi sa inyo para maging mas mahusay ang inyong curriculum vitae sa kung sino man ang mag-eemployo sa inyo. Okay? Okay. English, very important.

Ganoon din para sa ating mga tourism and HRM students. English is critical. Lahat ng turista, saan man ‘yan manggaling, pagdating dito, common language of exchange is English. Mas madali kayong makakuha ng trabaho if you are competent and facile in English. Napakahalaga po nito, at sana pag-ukulan po ninyo ng panahon at ng pagtiyaga ang inyong Ingles para mas maganda ang mga trabaho na makukuha ninyo pag-graduate ninyo. English for tourism. Tama? Tama. Okay, English. Ay, hindi pala. Correct? Correct? [Mga tao: Correct!] Yes. Okay. [Tawanan]

And lastly, last message before we go to the Q&A: Ako, 58 anyos na ako. I’m 58 years old. Thank you very much. Sabi niya, “Mukhang 40.” [Palakpakan] Puwede namang 45. [Tawanan]

The point I want to make… and Leni just said, she just turned 50.

So the point we want to make is this:

In a few years, senior citizen na kami. But you, all of you, you have 50 years ahead of you. How old are you? [Estudyante: Eighteen.] Eighteen—you have 60 years ahead of you! How old are you? [Estudyante: Nineteen.] Also 60 years ahead of you. With the advances in medicine—isipin ninyo ito ha—with the advances in medicine, what was the expected age of 40, na naging 50, na naging 60, ngayon, 70, kinokonsiderang bata pa. Tama? Tama. Dati-rati, 40, patay na eh. Totoo ‘yan. Totoo ‘yan. Because wala pang antibiotics noon, wala pang sterilization noon, wala pang mga modern science sa medicine noon. Kaya maaga pa, namamatay na ang tao.

The point I want to make is this: You have 60 years ahead of you. So what those 60 years will be is in your hands. You can choose how those 60 years will be, because it starts this year—2016. If you choose well, if you choose the right path, if you choose clean, honest, effective government; your 60 years will be prosperous, will be productive, and will be positive. If you choose wrong, your next 60 years will start out rocky, and will start out dim, and possibly corrupt. So it is up to you how your 60 years will be.

We have capital. May kapital na tayo na limang taon. Ang kapital natin, ‘yung limang taon nitong pamumuno ni Pangulong PNoy. Maganda na. Hindi ko sinasabi na narating na natin ang paradiso, pero maganda na ang takbo. Malago ang ekonomiya natin. Six percent [GDP] on average per year over the last five years. Milyon na ang trabaho na nalilikha, milyon-milyon. In fact, milyon din ang mga nakatawid na from poor to less poor, ‘yung international na standard na ‘yon. Hindi ko sinasabi na perpekto na. Ang sinasabi ko ay malayo na ang narating natin.

Kung itutuloy natin ito, mas malayo pa ang mararating natin. Pero kung mali ang pili natin, liliko tayo, magyu-u-turn tayo, babalik tayo sa korapsyon, sa kasinungalingan, sa panloloko ng nakaraan; mawiwindang tayo. Mawawala tayo sa magandang landas na kinalalagyan natin ngayon.

So students, youth, the future of our country is in your hands.

Maraming salamat! Magandang hapon sa ating lahat! [Palakpakan]

##