Speech of
Mar Roxas
At the Olivarez Coliseum
Parañaque City

[March 1, 2016]

Maraming-maraming salamat sa isa sa pinakamahusay, pinakaepektibo, pinaka-visionary na punong-lungsod sa buong Pilipinas na kung saan kayo mismo ang mga patunay sa mahusay na pamamalakad dito sa dakilang Lungsod ng Paranaque— Mayor Edwin Olivarez. Maraming-maraming salamat po. [Palakpakan]

Of course sa kay, Ma’m Janet, sa kanyang mga anak. Palakpakan rin po natin. [Palakpakan]

Alam n’yo po, Edwin, malaking karangalan para sa akin. Feel na feel ko na ikaw na isang nirerespeto ng iyong mga kababayan ang siyang nagpakilala at nag-endorso sa akin sa kanilang lahat. Maraming-maraming salamat po para sa inyong suporta. [Palakpakan]

At kung malaking karangalan ito para sa akin, na pinakilala ako ni Mayor Edwin, lalong mas malaking karangalan para sa akin na kasama natin ngayon ‘yung pinaka-ama ng lungsod ng Parañaque, dahil kasama niya yung mga higanteng pangalan— mga Ninoy Aquino, mga Jovy Salonga—itong malalaking pangalan na sa bawat yugto ng ating kasaysayan ay nanindigan kasama siya. Nanindigan para sa kabutihan para sa katarungan, para sa kaunlaran ng ating bansa. Palakpakan po natin, kilalanin po natin, Manong Pablo “Doc” Olivarez. Palakpakan po natin. Maraming-maraming salamat po sa inyong prisensya. [Palakpakan]

Pangkaraniwan po, ninenerbyos ako ‘pag nagsasalita sa harap ng maraming tao. Eh dahil nandito si Mayor Kap Olivarez, Manong Pablo, mas lalo pa akong ninerbyos. Kasi pakiramdam ko ‘yung tatay ko ay nanonood sa akin ngayon dahil nandito si Manong Pablo. Maraming-maraming salamat po sa inyong prisensya.

Binabati rin po natin, of course, ang isa sa pinakaaktibo sa Kamara de Representante, ang inyong kinatawan, Congressman Eric Olivarez. Palakpakan po natin. [Palakpakan]

Palakpakan po natin ang mga kasama ni Mayor Edwin, ay sorry, ng pamunuan natin dito sa pamumuno ni Mayor Edwin, ni Cong. Eric sa konseho… Vice Mayor Lito Gomez at ang ating mga konsehal nandito po silang lahat, first district at second district, palakpakan po natin sila. Ang ating mga kapitan, taas ang kamay, [palakpakan], yon! Ang mga kapitan dito sa laki ng mga barangay parang mga punong-lungsod na sa ibang lalawigan. Ganun kalaki ang responsibilidad ng ating mga kapitan! Palakpakan po natin silang lahat. Ating mga kagawad, barangay officials, ating mga kabahagi ng iba’t ibang sektor dito sa sectoral assembly na ito, yung mga women’s, taasan ng kamay, mga PHW, [hiyawan] ayun! Mga 4Ps [hiyawan], yun! Ating mga tanod, ang ating iba pang mga lingkod-bayan, sa inyong lahat po, magandang-magandang umaga… at maraming maraming maraming salamat po sa napaka-init na pagtanggap po ninyo sa amin ngayong araw na ito. Maraming salamat, Parañaque!

Nadinig po ninyo. Feel na feel ninyo. Kitang-kita ang sinseridad, ang kakayahan, ang napakagandang diwa at hangarin ng isang tao na hindi tumalikod sa tawag ng tadhana. Maaaring manahimik na lang, maaaring na nag-concentrate na lang sa kaniyang pamilya. Maaari na sinabi niyang hindi niya, hindi na para sa amin ito. Subalit, sa hamon ng karamihan nakita niya na mas mahalaga na makapatuloy ang kaniyang pagiging lingkod-bayan hindi lamang sa kaniyang mga kababayan sa Bicol, pero maging man sa buong Pilipinas. Ang susunod na pangalawang pangulo sa buong Pilipinas, Leni Robredo. Palakpakan po natin. Leni Robredo sa pagka-pangalawang pangulo! Puwede? [Crowd: Puwede!] Puwede! Puwedeng puede!

Nandito rin po kasama natin isang tao na itinataguyod, o isinusulong ang kawsa ng mga kooperatiba. In fact, the oldest cooperative sa buong Pilipinas, yung San Dionisio ay nandito sa Parañaque. Para sa Senado, Mr. Coop Cris Paez! Palakpakan po natin. Criz Paez sa pagkasenador! Puwede? [Crowd: Puwede!] Puwedeng-puwede!

Kasama rin po natin, isang taong biktima ng digmaan sa Mindanao. Binomba ang kanilang komunidad. Naging evacuee. Kung sa Bisaya ba, ‘bakwit.’ Doon nakatira sa paaralan dahil nga nasira ang katahimikan doon sa kanilang lalawigan. Pero hindi sumuko, hindi natinag, nagpursige sa paghahanap ng kapayapaan at katahimikan sa kanilang komunidad. Kapayapaan ang kanilangan para magkaroon ng progreso. Tulungan natin makarating sa Senado, Ina Ambolodto sa pagka-senador! Ina Ambolodto sa Senado, puwede? [Crowd: Puwede!] Pwuede! Pwuedeng-pwuede!

Mga kababayan, […] sa totoo lang, hirap akong tumayo dito ngayon at magsalita dahil kitang-kita ko dilaw na dilaw na ang buong Parañaque! Dilaw ang suot natin hindi dahil pauso. Dilaw ang suot natin hindi dahil pamoda. Hindi rin ito isang chaleko na suot-hubad dahil kombiniyente. Dilaw ang suot natin dahil dilaw ang kulay ng ating prinsipyo. Tama? [Crowd: Tama!]

Nagsimula ito nung 1986, 30 taong nakalipas kung saan ang buong sambayanang Pilipino ay nagsuot ng dilaw. Dilaw sa paninindigan na tama na, sobra na, palitan na. Ayaw namin ng pandaraya.

PhilHealth. Sino ang nakakakilala ng PhilHealth, o ang natulungan ng PhilHealth? Taas ang kamay! [Audience: Kami!] Ayan! Napakarami! Noong nakaraang taon, anim at kalahating milyong pasyente naipangalan (?)–ho ‘yun, tao por tao po ‘yun, anim at kalahating milyong pasyente ang natulungan ng PhilHealth. Paano nangyari nito? Dahil hindi na ninanakaw ang pera ninyo.

Kung dati magkasakit tayo, ubos na naman ang bulsa. Dati magkasakit tayo, magbebenta tayo ng ari-arian, uutang pa sa 5-6, babayaran lang gastusin sa pagpapagamot sa ating kapamilya. Ngayon, dahil sa PhilHealth, zero bill, ibig sabihin sagot ng PhilHealth syento por syento ang pagpapagamot sa inyong lahat. Yan ang Daang Matuwid, yan ang ating isinusulong, yan ang ating tinutuloy! [Palakpakan]

Pag-usapan natin ang isang bagay na napaka-halaga sa inyo. Trabaho. Kabuhayan. Pagkakakitaan. Dito sa Paranaque isa sa pinaka-magandang halimbawa, kung saan dahil sa pag-unlad ng ating ekonomiya, dahil sa pag-imbita natin ng mga mamumuhunan na nagtatayo ng iba’t ibang mga building, iba’t ibang mga negosyo, iba’t ibang mga pagawaan dito sa Paranaque ay maraming trabaho ang na […] ‘Yan ang ating gagawin! ‘Yan ang tututukan ko! Nagawa ko na to dati nung DTI ako, alam ko mapagpapatuloy natin ang paglikha ng trabaho dito sa Parañaque. Mabuhay ang Daang Matuwid! [Palakpakan]

Kami ni Leni talagang nakatutok kami sa paglikha ng trabaho. Dahil kapag may trabaho, may lulutuin si nanay. May pangmatrikula si Ate, si Kuya, si Junior. Tama? [Audience: Tama!] May gatas si baby. May gamot si lola at si lolo. ‘Pag may trabaho, ‘pag may kabuhayan, ‘pag may pinagkakakitaan, may dangal ang pamilya. At diyan tayo nakatutok, sa bawat pamilyang Pilipino. Para matupad ang inyong pangarap para sa sariling pamilya ninyo.

Kaya hinihingi po namin ang inyong tulong. Hinihingi namin ang inyong suporta. Hinihingi namin na ipamalita po ninyo, ihatid po ninyo sa inyong mga komunidad, kapitbahay, sa inyong mga kakilala, ang magandang balita ng Daang Matuwid, ang mga magagandang napagtagumpayan na, at ang magandang bukas na mapaparating natin sa ating sarili kung magpapatuloy tayo sa Daang Matuwid, mabuhay ang Daang Matuwid. [Palakpakan]

Puwede? [Audience: Puwede!] Puwede? [Audience: Puwede!] Dito sa kanan, puwede? [Audience: Puwede!] Sabay-sabay lahat. Puwede? [Audience: Puwede!]

Mga minamahal na kababayan, hindi madali itong laban na ito. Sabi ni Leni, nagsimula siya nasa 1%, ngayon nasa 20. Palakpakan po natin. [Palakpakan.]

Si Mar Roxas, nung nagsimula tayo, nasa 4%. Ngayon, nasa 20. [Palakpakan]

Pakiusap namin sa inyo, dagdag pa more. [Tawanan] Pwede? [Audience: Pwede!] Dahil kung hanggang 20 lang kami ni Leni, hindi namin maipagpapatuloy ang Daang Matuwid. Kung hanggang 20 lang kami ni Leni, hindi namin magagawa ang magagandang layunin na nais natin mangyari sa ating lungsod at sa ating bansa. Kung hanggang 20 lang kami ni Leni, hindi natin ang mararating ang magandang bukas na ngayon nasisimulan na nating matamasa […] Kaya hinihiling po namin, dagdag pa more para sa Daang Matuwid!

Mabuhay ang Paranaque! Mabuhay ang sambayanang Pilipino! Maraming-maraming salamat sa bawat isa sa inyo dito. Mabuhay! Magandang umaga sa inyong lahat! [Palakpakan]

##