“Ang aking puso ay hindi lang tumataba, lumulusog pa, dahil sa pagdalo niya dito,” ani ni Lolo Leoncio na taga-Obando, Bulacan, sa pagbisita ni Mar Roxas sa pagtitipon ng mga senior citizen, Labs Kita, Lolo Lola! noong Pebrero 27

Matagal nang malapit sa puso ng Daang Matuwid standard bearer Mar Roxas ang mga senior citizens.

Kaya naman hindi na kagulat-gulat na siya ay dumalo sa Labs Kita, Lolo Lola!, isang pagtitipon ng mga Senior Citizens sa ikaapat na distrito ng Bulacan noong Sabado (Pebrero 27) na ginanap sa Saint Mary’s College of Meycauayan. Kasama sa pagtitipon ang kanyang running mate na si Leni Robredo, si Cong. Linabelle Villarica na nag-host ng pagtitipon, at si Cong. Sherwin Tugna, na kinatawan ng Citizens Against Corruption party list (CIBAC).

Sabi ni Roxas sa harap ng higit kumulang 2,500 na lolo at lola, “Sentro sa aming programa sa Daang Matuwid ang inyong kalusugan at kaginhawaan.”

Noong siya’y senador pa lamang, isinulong niya na ang Cheaper Medicines Law (link) na nagpapababa ng presyo ng gamot para sa mga may sakit at mga senior citizen na kailangan ang mga maintenance medicines.

“Pagdating ko sa senado, sinulong namin ‘yung Cheaper Medicines Law. Isinabatas natin ito. Binangga natin ang mga malalaking pharmaceutical companies para maipababa nila ang singil ng kanilang mga gamot,” ani Roxas sa kanyang talumpati.

Isa si Lolo Leoncio de Jesus, 69 years old, na taga-Obando, Bulacan, sa mga natulungan ng Cheaper Medicines Law. Ayon kay Lolo Leoncio, dahil mas kakaunti ang kanyang gastusin sa mga gamot, mas nakakapaglaan siya ng pera para sa pagsusustento sa sarili niya dahil ayaw niya umasa sa mga anak at manugang niya. Umiinom siya ng Amlodipine para sa kanyang alta-presyon, at isa iyon sa mga gamot na napababa ang presyo ng Cheaper Medicines Act.

Noong 2009, isinulong rin ni Mar Roxas sa senado ang VAT exemption ng mga senior citizen sa mga gamot, dagdag pa sa 20% na nababawas sa kanilang bayarin.

Pinasalamatan ni Roxas ang mga lolo at lola sa kanilang mga pagpapalaki at pag-aaruga sa mga sumunod na henerasyon.

“Malaki ang utang na loob ng aming henerasyon sa inyo,” ani niya.

Pinangako niya na susuklian niya ito sa pamamagitan ng patuloy na pag-aalaga sa mga senior citizen niyang mga kababayan.

“Mapararami pa namin ang tulong na nabibigay ngayon sa ating mga senior citizen. Ano itong mga tulong na ito? Tulong, halimbawa, para sa libreng maintenance medicine para sa ating mga senior citizens. Maintenance medicine para sa high blood. Maintenance medicine para sa diabetes. Maintenance medicine para sa kolesterol at iba’t iba pang mga karamdaman na alam natin, alam natin na dinadaanan pagtanda natin sa gulang. Alam natin na ito ang mga karamdaman, kaya sa pagpapatuloy ng Daang Matuwid, makakaasa ang ating mga senior citizens na magiging libre para sa kanila itong mga maintenance medicine na ito,” wika niya.

Ang mga pangarap na ito ni Roxas at ng Team Daang Matuwid para sa mga senior citizens ay nakatamo ng mainit na pagtanggap at masigabong palakpakan, patunay ng paniniwala ng mga nakatatanda sa matuwid at maayos na pamamalakad ng administrayon.

##