Speech of
Mar Roxas
During his palengke visit
Pagadian City, Zamboanga del Sur

[February 26, 2016]

Maraming-maraming salamat sa isa sa pinakamahusay, pinakamasipag, pinakaepektibo, pinuno sa ating pamahalaang lokal, malayo ang mararating, susunod ay bise-gobernador, Ace Ceriles, palakpakan po natin.

Of course, alam n’yo… Parang, puwede ko bang hilingin sa mga cameraman na magpalit tayo ng puwesto para kasama ko ‘yung mga kasama ko dati sa palengke. [Hiyawan]

So binabati ko po ang aking kaibigan, okay, okay, binabati ko po ang aking kaibigan, isang mahusay na lingkod bayan, epektibo sa kongreso, isa sa pinakaepektibong kinatawan sa buong kamara de representante, Congresswoman Au Ceriles, palakpakan po natin.

Palakpakan din po natin ang ating punong-lungsod. Kitang-kita ang pag-unlad ng inyong lungsod ng Pagadian. Palakpakan po natin si Mayor Tata, palakpakan po, Palmones!

Tapos si Vice Mayor Divine, palakpakan din po. Ang lahat ng ating kapitan, lahat ng ating barangay officials, mga kagawad na bumubuo po sa inyong lahat:

Magandang-magandang tanghali sa inyong lahat! Magandang tanghali!

Alam n’yo papunta dito—makinig muna tayong lahat, mamaya yung picture ah, babati muna ako ah, okay? Tinanong ko kay Mayor Ace, sabi ko gusto ko bumati sa inyong lenguahe. Sabi niya, anong gusto mong sabihin? Sabi ko gusto ko sabihin, magandang tanghali. Sinulat niya. Sabi niya sabihin mo, maayong udto kaninyo na tanan. Sabi ko kay Mayor Ace, Mayor turuan mo ako, sabihin maraming salamat sa napakainit na pagtanggap ninyo sa akin, Sabi niya, sabihin mo ito. Daghang salamat sa mainiton ninyong pagdawat ka nako dinhi sa Zamboanga del Sur. Mahusay ba titser ko? Palakpakan natin si Mayor Ace Ceriles.

Si Tita Au Ceriles, tinanong ko naman sa kanya, sabi ko tita Au, gusto ko sabihin natutuwa ako at sana makabalik ako ulit dito at mag sama sama tayo muli! Sabi ni tita Au, sabihin mo ito. Unta sa pagbalik nako magkita kita usab kay daghang gwapa dinhi sa Zamboanga del Sur. Mahusay ba ang turo ni Tita Au? Mukhang masayang masaya kayo at natutuwa ako, at una gusto ko humingi ng paumanhin na na-late kami sa aming pagdating dito, sobrang init pero nangdito pa rin at mainit ang pagtanggap sa amin ni Vice President Leni Robredo, maraming maraming salamat sa inyong lahat.

Mga, ang among binisaya inilonggo eh! Sa bisaya ang akong mga kasimanwa, or kaigsuunan, kaigsuunan, noh? Mga minamahal na kaigsuunan. Nalipay gid ako, natutuwa ako na makasama kayo, lalo na dito sa palengke kung saan una ninyo ako nakilala na Mr. Palengke. Dahil sa palengke nakikita natin ang estado ng isang komunidad. Kung maunlad ang isang palengke, kung maraming benta, ibig sabihin, may pera, may umiikot na kapital, at maunlad ang isang komunidad. Mabuhay ang palengke.

Ang ating mga magsasaka, ang ating magniniyog, ang ating mangingisda, ang kanilang mag produkto dinadala dito sa palngke. Kaya kung kaunlaran ang palengke, maunlad din ang pamumuhay ng ating kababayan. Mabuhay. Kaya hinihingi po namin ang inyong tulong para ipatuloy natin ang kaunlaran na nasimula na. Maramin nang napagtagumpayan, marami na ang narating natin, nakita natin ang kalye natin papunta dito, nagiging mas malapad, sementado, mas maunlad, mas maraming pera ang umiikot dito. Kaya hinihingi namin ang tulong ninyo para magpatuloy ang ating kaunlaran. Pwede? (Pwede!) Pwede?

Tatanongin ninyo, ano pa ang punteria ng Daang Matuwid? Natutuwa ako na nangdito si ma’am Au, nangdito si Ace, nangdito ang pamunuan, nangdito si Mayor Tata, nangdito si Vice Mayor Divine, ang ating kapitan, nagpapakita na nagkakaisa tayo para ipagpatuloy ang 4Ps. Sino dito ang kasama sa 4Ps? Ayan. Mga katunggali natin, gusto nila palitan. Tayo? Dedepensahan natin, itututloy natin, itataguyod natin, papalawakin natin ang 4Ps para mas marami pa ang makikinabang sa 4Ps program.

Tututukan natin, tututuakn natin ang kabuhayan! Para sa ating mangingisda, magsasaka, sa lahat ng mga kababayan natin dahil pag may pinagkakakitaan, nagkakaroon ng lulutiin si misis. Pag may trabaho at may pagkakatian may pangmatrikula si kuya at si ate, tama? ag may trabaho at may pagkakatian, may kabuhayan, may pang gatas si baby, diba? May gamot pa si lola, tama? Kaya ang tutok po natin, ang tutok po natin ay pagpapatuloy ng kabuhayan, trabaho, para sa kaunlaran ninyong pamilya. Pwede? Baka pang picture lang yan, walang boto. Naka lipstick ka pa! Kita ko naka lipstick ka. Baka pang kodak lang yan, ano may kampanya pa? Yan, oo.

Kaya muli po namin hinihiling ang inyong tulong. Malayo na ang narating natin. Sa Daang Matuwid makakaasa kayo na ang pera ninyo, ang pera ng gobyerno nakakarating sa inyo. Walang kaltas, walang kupit, walang kickback. Hindi kami magnanakaw. Yan ang maasahan ninyo. So sa ating mga kababayan dito sa palengke ng Pagadian, yung kaunlaran na nasimulan natin makita, maramdaman, matamasan, ipagpatuloy natin. Hinihingi ko po ang inyong tulong, tulong para kay Leni, tulong para sa mga senador, tulong para sa ating kandidatong pang-lokal, tulong para kay Mar Roxas, dahil siguro matanong ninyo, bakit gusto ko maging pangulo? Totoo, hindi naman ako laki sa hirap, hindi madrama buhay ko, pero bakit ko naisip maging pangulo? Nais ko maging pangulo dahil maraming kaginhawaan na nasa buhay ko na nais ko maging sa inyo rin. May trabaho ako, may naipon ako, alam ko ang anak ko may magandang bukas dahil nakapagaral siya. Hindi ko pinoproblema ang kakain ko bukas.

Pero alam ko marami sa inyo, marami sa ating kababayan, ito ang mga pinoproblema. Hindi sila kampante sa kanilang kalagayan. Nakikita ko kung magpatuloy tayo sa Daang Matuwid, lalo pa natin ipaunlad ang ating buhay. Lalo pa natin malagyan ng katiyakan, katiyakan laban sa gutom, katiyakan laban sa sakuna, katiyakan sa ating tirahan, katiyakan na pag may nangyari sa atin, may matatakbuhan tayong pamahalaan na hindi bibitiw. Kasanga natin, kasama natin, at tutulong hanggang maka-ahon tayo. Yan ang Daang Matuwid, yan ang ating isinusulong, yan ang dahilan kung bakit ko hinihingi tulong ninyo. Pwede?

Hindi na po ako magpapahaba dahil tanghali na. Kumain na ba kayo? Pare-parehas tayo. Hindi na po ako magpapahaba, maraming salamat sa inyong pagdalo, sa pagpulong-pulong, maraming maraming salamat.

Mabuhay ang Pagadian!

Mabuhay ang Palengke!

Mabuhay ang Sambayanang Pilipino.