Speech of
Mar Roxas
At the Daang Matuwid Coalition campaign kick-off Iloilo leg
Freedom Park, Iloilo City 

[February 9, 2016]

[Translated from Hiligaynon.]

Mr. President, Vice President Leni, Speaker ng ating Kamara de Representante Sonny Belmonte, ang ating mga hosts, mula kina Senate President ‘The Big Man’ of the Senate Frank Drilon, Governor Mike Defensor, Congressman Art Defensor, Congressman Ferge Biron, ang ating City Mayor Jed Mabilog, tagapamahala ng konseho, ang ating congressman sa syudad Jenny Treñas, ang ating mga kasama, ang ating mga katulong sa pamamalakad, ang ating mga senador, palakpakan natin silang lahat, mga kongresista, palakpakan natin silang lahat, mga gobernador, mga miyembro ng gabinete ni Presidente PNOY, palakpakan silang lahat, mga kasama sa pagserbisyo sa ating mga kababayan, sa inyong lahat na minamahal kong kababayan dito sa Iloilo:

Magandang gabi at maraming salamat sa mainit na pagtanggap ninyong lahat.

Okay, may sikreto ako sa inyo  na gustong sabihin. Imbis na Roxas Na, kahapon, birthday ng ating president—PNoy! PNoy! PNoy! PNoy! [palakpakan] [Crowd sings Happy Birthday] Binabati natin ang ating presidente, sabi niya madaming magaganda dito sa Iloilo [palakpakan, hiyawan] pang-abot sa Valentine’s, makakilala siya ng isang Ilongga. [Hiyawan]

Kamusta na kayong lahat? Tayo ngayon ay nagtipon, ngayong gabi para salubungin at sumama sa laban ng ating pambato para sa malinis, maayos, at tapat na pamamahala. Maraming-maraming salamat sa inyong lahat. [palakpakan]

[As delivered]

Sa madaling salita—para  maintindihan naman ng ating mga bisita, sa madaling salita—nandito tayo ngayon, nagsasama-sama, sinasariwa natin ang ating pakikipagbato, ang ating pakikipaglaban, para sa katarungan, para sa kaayusan, at kaunlaran. Sa madaling salita, nandito tayong lahat para sa Daang Matuwid. [Palakpakan]

Kumbinsido na kamo? [Mga tao: Oo!] Kumbinsido na kamo? [Mga tao: Oo!]

Dugay na naton—matagal na natin ipinaglalaban ang katarungan, kaayusan, at ang kaunlaran. Matagal na nating ginagawa ang laban na ito. Magmula nang itinatag ang ating bansa, sa bawat henerasyon, may mga kababayan tayo na nagsasakripisyo, naninindigan, at kung kinakailangan, nagbubuwis ng dugo para isulong ang kapakanan ng ating bansa at ng ating mga kababayan. Palakpakan po natin ang lahat ng mga nauna sa atin sa laban na ito. [Palakpakan]

Tatlumpong taon na nakalipas, ang ating sigaw dito mismo sa Freedom Grandstand, “Sobra na! Tama na! Palitan na.” [Palakpakan] Limang taong nakalipas, dito rin mismo sa grandstand, ang sigaw natin, “Patalsikin ang isang gobyerno na mandaraya, na nagsisinungaling at nagtiwali!” ‘Yan ang ating sigaw noon. Babalik pa ba tayo sa baluktot na nakalipas? [Mga tao: Hindi!] Ano? [Mga tao: Hindi!]

Nandito tayo ngayon dahil noong 2010, tayong lahat pumili ng isang leader na matino, na matapat, na tuwid, at na tumotoo sa atin. Walang iba po kundi Pangulong PNoy Aquino. [Palakpakan]

Ang resulta, dahil tama ang ating pili, ‘yung dating kilala bilang Sick Man of Asia—nakakahiya ‘yun. Parang may sakit tayo. Parang lumpo tayo. Hindi tayo nakakasabay sa agos ng panahon. ‘Yun ang pagtingin ng buong mundo sa ating bansa. ‘Yung dating kilalang Sick Man of Asia, dahil tama ang pili natin noong 2010, ngayon, kilala bilang Asia’s Bright Star, Asia’s New Tiger. [Palakpakan]

Kaya naman, sa nalalapit na okasyon, ang ating sigaw ay hindi “palitan, patalsikin, baguhin.” Ang ating sigaw: Ituloy, itaguyod, palawakin ang Daang Matuwid! [Palakpakan]

At tama lamang ito dahil kayo mismo, kayo mismo ang mga patunay. Ang mga mata ninyo, ang mga paa ninyo, ang inyong pagkaalam. Kayo mismo makakapagsabi na marami na ang napagtagumpayan natin, malayo na ang narating natin, matagumpay talaga ang Daang Matuwid at dapat lang ipagpatuloy.

Feel na feel ninyo? [Mga tao: Yes!]

Para sa mga hindi pa nakakaalam, simple lang ang ating programa: nakatutok tayo sa tagumpay ng bawat pamilyang Pilipino. Sisiguraduhin natin na ang inyong mga pamilya, ang bawat pamilyang Pilipino ay malaya sa gutom, malaya sa takot, at malayang mangarap muli. Palakpakan po natin ang Daang Matuwid. Iyan ang alam ko, iyan ang kaya ko, at iyan ang ating gagawin. [Palakpakan]

Kalayaan mula sa gutom. Freedom from hunger. Kanamin gid naamin kita sa Freedom Grandstand. Kaya’t aton na ginahinambalanan, talang aton na ginasulong amo ang mga freedoms, ang mga kalayaan na sobra kaimportante sa tagsa tagsa kapamilya diri sa atin. Freedom from hunger. Ang ating tugon, ang ating sagot: trabaho at pagkakakitaan. ‘Yan ang Daang Matuwid. [Palakpakan]

Lilikha tayo ng mga trabaho sa manufacturing sector. Aakitin natin ang mga mamumuhunan na dito sa Pilipinas at hindi lang sa Manila, sa buong Pilipinas, dito sila magtayo ng kanilang mga pabrika, mga pagawaan para magkaroon ng magandang trabaho ang mga Pilipino. ‘Yan, nagawa ko na dati, at sigurado akong magagawa natin ito muli! [Palakpakan]

Papalaguin pa natin ang mga call centers, ang mga IT, ang mga BPO. Ngayon, mahigit isang milyon na ang nagtatrabaho diyan. Dito lang sa atin sa Iloilo, sa Convention Center, napakarami ang nagtayo na diyan ng mga tanggapan sa call center. Lahat ito sila, nagbibigay ng magandang trabaho sa ating mga kababayan. Nagawa ko na ito dati, sigurado ako, magagawa natin ito muli! [Palakpakan]

Lalo pa nating papalaguin ang tourism sector. Tourism ang isa sa pinakamabilis na paraan para lumikha ng trabaho. Magandang mga trabaho ito, at makakasiguro tayo na kakalat sa ating buong bansa ang kaginhawaan na dala nitong mga trabaho. ‘Yan ang tourism sector. ‘Yan ang gagawin natin sa Daang Matuwid.

At para naman sa kanayunan, sa kabukiran, ilulunsad natin ang Daang Matuwid Bukid Revolution para sa higit na pag-unlad ng ating mga magsasaka, mga mangunguma, mangingisda, at ang agri-fisheries sector.

Merong tatlong bahagi itong bukid revolution. Simpleng-simple lang po ito: una, murang pautang para hindi mauubos ang kita sa pagbayad ng interes at amortisasyon sa mga pautang. Pangalawa, mas marami pang infrastructure para mas madali at sariwang maparating sa mga pamilihan ang mga produkto ng magsasaka. At pangatlo, pinakamahalaga, dagdag pa more ng mga post-harvest facilities tulad ng mga thresher, mga drier, mga chillers para mas malaki ang recovery na inaani ng ating mga magsasaka. ‘Yan ang Daang Matuwid na Bukid Revolution. [Palakpakan] Ang resulta nitong lahat: mas malaking kita, mas malaking take-home para sa ating magsasaka at mangingisda. ‘Yan ang ating ipinaglalaban. ‘Yan ang Daang Matuwid. [Palakpakan]

Pangalawang tututukan natin: Kalayaan mula sa takot. Freedom from fear. Ang ating sagot, simpleng-simple lang po: katiyakan. Kasiguruhan. Katiyakan sa tinitirhan. Ibig sabihin, magpapatayo pa tayo ng mas maraming mga mura at disenteng pabahay para sa mga walang tinitirhan sa ngayon. [Palakpakan]

Katiyakan na ‘pag nagkasakit ka, may mapupuntahan kang tutulong sa paggastos ng pagpapagaling sa atin. ‘Yan ang PhilHealth. ‘Yan ang ating papalawakin pa. [Palakpakan]

Katiyakan na ‘pag may kalamidad, may matatakbuhan tayong gobyerno na hindi bibitiw sa atin hanggang makabangon tayo muli. ‘Yan ang katiyakan sa Daang Matuwid. [Palakpakan]

Katiyakan na ‘pag merong nang-api, nang-abuso sa atin, merong pulis at sistema ng katarungan na huhuli, iimbestiga, maglilitis, at kakalaboso sa mga salarin at masasamang-loob. ‘Yan ang katiyakan sa Daang Matuwid. [Palakpakan]

At pinakaimportante sa mga maliliit, mga liblib, mga malalayong lugar: Katiyakan na hindi makakalimutan o mapag-iiwanan kayo o ang inyong mga komunidad. Papalawakin pa natin ang ating Bottom-Up Budgeting sa halagang P100 bilyon para lahat ng bayan, lahat ng barangay ay kabahagi at kasama sa ating development. Walang maiiwanan. Sa madaling salita, ‘yan ang mangyayari sa pagpapatuloy ng Daang Matuwid. [Palakpakan]

At kung ang unang kalayaan ay kalayaan mula sa gutom at ang pangalawang kalayaan ay kalayaan mula sa takot, ang pangatlong tututukan natin ay ang kalayaang mangarap. Sagot natin, simpleng-simple din lang po: Pag-asang makakaahon sa kahirapan ang ating mga pamilya. Pag-asang makakapagsimula ang ating mga anak sa mas maginhawa o mas mataas na antas kaysa sa kinalalagyan natin ngayon.

Kaya meron tayong 4Ps, tulong ito sa apat at kalahating milyong pamilya para makasiguro sila na makikita nilang aakyat ang kanilang mga anak sa isang entabladong tulad nito, tatanggap ng diploma sa kanilang pagtatapos. Sisiguraduhin natin, magga-graduate ang inyong mga anak. [Palakpakan] Dedepensahan natin. Dedepensahan natin ang 4Ps. Hindi tayo papayag na mawawala ito. Papalawakin pa natin ito para mas maraming pamilya ang makakasiguro na magga-graduate ang kanilang mga anak. ‘Yan ang Daang Matuwid. ‘Yan ang ating ipinaglalaban. 4Ps. [Palakpakan]

Mga kababayan. Mga pinalangga na kasimanwa. Sobra ka klaro. Malinaw na malinaw ang ating ipinaglalaban. Konkreto ang ating mga plano at mayroong mga patunay na nagawa na natin ito o nasimulan na natin ito. Malayo na ang narating natin, at mas malayo pa ang mararating natin kung magpatuloy tayo sa Daang Matuwid.

Hinihingi ko po ang inyong tulong. Samahan n’yo po ako. Samahan n’yo kami ni Leni. Samahan niyo kami ng ating mga kandidato sa pagkasenador. Ito ang Team ng Daang Matuwid na maghahatid ng patuloy na kaginhawaan sa ating buong bansa. [Palakpakan]

Simulan natin sa inyong kasimanwa. Napakahusay na senador. Napakahusay na leader. Arkitekto ng pagbabagong dumating dito sa Iloilo. Ang ating mga gobernador, ang ating mga congressman, taga-ibang lugar. Pagdating dito mula sa airport, nakita nila, “Wow! Hanggang dito ba ang runway ng airport?” Kasi napakalapad ng mga kalye papasok dito sa Iloilo City, walang iba po, Big Man ng Senate, Franklin Drilon. [Palakpakan]

Tulungan din po natin ang isang lingcod-bayan na marunong sa pagpalago ng tourism sector, walang iba po kundi Senator Mark Lapid. [Palakpakan]

[Translated from Hiligaynon]

Tulungan din po natin ang isang taong laging kinatatakutan sa mga masasamang tao, seryoso siya sa hustisya, Senator Leila de Lima. [Palakpakan]

Katulong din natin ang isang taong partner natin sa kapayapaan. Kung walang kapayapaan, walang development, walang makikitang progreso, Senator Ina Ambolodto. [Palakpakan]

Katulong natin, kababayan din natin siya, may dugong Ilonggo, galit sa mga buwaya kaya ang mga biyaya ng gobyerno hindi nakakaabot sa inyo, walang iba kundi si Senador TG Guingona. [Palakpakan]

Katulong natin ang isang tao na ang kanyang adbokasiya ay para sa mga grupo, sa mga organisasyon, dinaan niya sa isang kooperatiba ang naghahatid ng kaginhawaan sa inyong lahat, Senador Cris Paez. [Palakpakan]

Siguro nagpameryenda itong si Cris, ano? [Tawanan]

Ang susunod na senador, kilala na ninyo ito. Siya ang tinuring na Food Security Czar, kung ang ating problema ay nakaangkla sa gutom, para sa pagkalam ng ating mga sikmura, siya ang eksperto sa pagpapatupad ng mga programa sa Agrikultura, walang iba kundi si Senador Kiko Pangilinan [Palakpakan]

Katulong natin, kababayan natin, taga-dito sa Panay Island ang kanyang record sa kanyang pagtulong sa ating mga kababayan at sa iba pang mga Pilipino, lalong-lalo na sa serbisyong pangkalusugan, katulong natin, Risa Hontiveros! [Palakpakan]

Ang isa pang kasama natin, miyembro ng gabinete, eksperto siya sa kuryente, para sa inyong lahat ang kanyang plano tungo sa pagkakaroon ng maayos na supply ng kuryente, kasama natin, Senator Icot Petilla! [Palakpakan]

And of course, kasama natin ang isang taong nakasama na natin dati, isa reelectionist na senador, pangatlong beses nang nanalo sa senado, para sa inyo ang pag-asa at ginhawa, Senador Ralph Recto! [Palakpakan]

Mga kababayan, dalhin natin sa bawat sitio, kada barangay, kada bayan, sa buong lalawigan, dalhin natin ang isang maayos at progresibong kuwento, ang Daang Matuwid, ‘yan na lamang ang hinihingi kong tulong mula sa inyo. Pwede? [Mga tao: Pwede!] Maraming salamat. [Palakpakan]

[As delivered]

Hindi magiging madali. Hindi magiging madali itong laban natin na ito. May mga iilan na gustong bumalik sa baluktot at madilim na nakaraan dahil doon sila yumayaman, at doon sila nagkakaroon ng kapangyarihan. Gagawin nila ang lahat, lahat ng mga paraan, lahat ng paninira, lahat ng pangloloko, lahat ng kasinungalingan para paghiwalayin tayo, para mawala ang ating tiwala, para masira ang ating pagsali sa ating causa. Pero sa lahat ng laban para sa tama, ganito naman parati ito, ganito kahirap ito. Dahil tama ang pinaglalaban natin, kinabukasan natin ang nakataya dito. This is a fight worth fighting. Hindi tayo magpapatalo sa mga abusado, sa mga manloloko at higit sa lahat, hindi tayo [translated: magpapatalo sa mga magnanakaw!] [Palakpakan] Kaya sigurado ako. Sigurado ako na panatag ang ating kalooban. Matibay ang ating paninindigan at malakas ang ating samahan sa Daang Matuwid. [Palakpakan]

Nakikita ko na dilaw na dilaw ang Iloilo. … Hindi tayo nag-iisa sa laban na ito. Mabuhay ang Iloilo! [Palakpakan]

[Translated from Hiligaynon]

Itong yellow, itong dilaw na kulay, hindi natin ito ipinilit para ipakita lang, o ipamoda lang, o ipauso lang. Hindi ito sinusuot lang na tsaleko kung convenient lang. Isinusuot natin itong yellow upang ipakita ang ating uniporme—kayo ang mga sundalong kasama sa laban ng Daang Matuwid.

[As delivered]

[Palakpakan] Dilaw ang kulay ng ating prinsipyo. Dilaw ang kulay ng ating paninindigan, at dilaw ang kulay ng ating tagumpay.

Mabuhay ang Daang Matuwid! Mabuhay ang Iloilo! Mabuhay ang sambayanang Pilipino! [Palakpakan]

##