Speech of
Mar Roxas
at the PMCC 4th Watch International Missionary Day
Imus, Cavite
[January 10, 2016]

 

[Audio starts] … Malaking karangalan para sa akin na kayo po ang nagpakilala sa akin sa iyong mga kapatid. Thank you very much. [Palakpakan]

Sa ating ginagalang, hinahangaan, at matibay na haligi sa nation-building, sa pamamagitan ng kanyang ministry, dinadagdag ko po ang aking tinig sa napakarami na bumabati sa inyo ng happy, happy birthday, Apostle Arsenio Ferriol. [Palakpakan] Pastor Ferriol. [Palakpakan]

Alam n’yo, totoo ‘yung kasabihan na behind every man is a strong woman na nag-i-inspire, [palakpakan] na nagtutulong, na nagbibigay konteksta sa lahat ng ating gawain. Pastor Lem, thank you very much. [Palakpakan]

Bishop Totoy Ferriol; [palakpakan] Bishop Osy Yao; Bishop Resty Zonio; Bishop Abigail Palanca; Congresswoman Abby Ferriol; Congressman AA Advincula; Mayor Emmanuel Maliksi; Vice Mayor and members of the people’s city, Sangguniang Panglunsod, Congressman Lou Abaya; Congressman Jonjon Ferrer; nakikita ko rin, former Secretary Sonny Alvarez ng DENR; [palakpakan] to our pastors, the members of the Church Council, Church Ministers, at ng kapatiran, the brethren from the Philippines and from abroadm, [palakpakan] at nanonood, simulcast, through 21 other locations sa ating bansa:

Magandang-magandang hapon po at mabuhay kayong lahat. [Palakpakan]

Unang-una po ay buong pakumbaba na nagpapasalamat ako sa inyong lahat, sa inyong pamunuan, sa imbitasyon na ipinagkaloob po ninyo sa akin na makasama dito sa inyong napakamakasaysayang International Missionary Day. [Palakpakan]

Ang trabaho po ninyo bilang ministers, bilang tagapagbigay witness sa kadakilaan ng Poong Maykapal, at ang trabaho ng isang pagiging lingcod-bayan ay hindi nagkakaiba. Ang nasa pundasyon nitong lahat ay ang prinsipyo that we are our brother’s keeper. [Palakpakan]

[…] ang matibay na pundasyon na tinutungtungan ng pamahalaan ni Pangulong PNoy, sampu kaming lahat na kabahagi ng Daang Matuwid, sampu kayong lahat, kasama tayong lahat na tumatayo para sa matuwid, para sa matapat, at para sa maayos. We are our brother’s keeper! [Palakpakan]

Iyan po ang dahilan kung bakit ipinaglalaban po natin ang katinuan, ang kaayusan, ang malinis na pamamahala: Dahil tayo na may kakayahan na tumulong ay dapat lamang na tumulong at mamuno nang maayos at nang matuwid. [Palakpakan]

Idadaan ko po sa isang kuwento, kuwento ng isang kababayan natin dito sa Cavite, mula sa Barangay San Rafael, sa Nobeleta, dito po sa Cavite. Merong isang 14 na taong gulang bata; ang pangalan ay si Jon Michael Enriquez. Siya po ay panganay na anak, apat na magkakapatid, ng kanyang ama na si Reniboy, isang manggagawa, at ang kanyang ina na si Leslie, na isang homemaker. Si Jon Michael ay pumapasok, subalit kinakailangan na tumigil sa kanyang pag-aaral. Dahil sa hirap, dahil sa paghihikahos, dahil sa kakulangan sa pangtustos, dahil sa kakulangan ng pagkain—hindi siya nakapagpatuloy ng kanyang pag-aaral. Kahit pa kumakalkal siya ng basura para lang may kaunting pera, hindi ito sapat para tustusan ang kanyang mga kinakailangan.

Hanggang dumating ang matuwid at matapat na pamamahala, ang Daang Matuwid, at ang ating 4Ps program. Dahil sa 4Ps, nakapagpatuloy sa kanyang pag-aaral si Jon Michael. [Palakpakan] At hindi lang nakapagpatuloy sa kanyang pag-aaral,  kabilang po siya sa honor roll ng kanyang high school sa Nobeleta, dito po sa Cavite.

Ang makikita po natin dito ay ‘yung potensiyal, ‘yung buhay ni Jon Michael ay hindi maaaksaya. Magmula sa sitwasyon na halos wala na siyang pag-asa, ngayon, makakatapos siya ng honors at makakapagpatuloy sa kanyang pag-aaral. Ito ay tagumpay nating lahat. [Palakpakan]

Sa ating bansa, there are four and a half million families tulad ng pamilya ni Jon Michael Enriquez. Ngayon, ang bawat isa sa kanila ay makakasiguro na makakatapos sa pag-aaral ang kanilang mga anak. Magsisilbi itong tulay para sa isang mas maunlad at mas maginhawang buhay para sa bawat isa sa mga pamilya ngayon. [Palakpakan]

Lahat po tayo, ang sambayanang Pilipino, ay kabahagi nitong tagumpay na ito. Lahat tayo ay naging bahagi [palakpakan] ng pagsasatapos ni Jon Michael, sa pagsasatapos ng lahat nitong mga kabataang ito. Nitong nakaraang Marso, noong graduation nitong Marso 2015, mahigit 300,000 na mga high schoolers ang nakapagtapos dahil we are our brother’s keepers. [Palakpakan]

Kaya malaking karangalan po para sa akin—also Bishop, sa pamunuan po at sa inyong lahat, malaking karangalan para sa aking makaharap kayong lahat at makasama [palakpakan] sa okasyong ito. Buong pakumbaba ko pong tinanggap ang inyong imbitasyon at alam ko po, magkakasama tayo sa ating vision, misyon that we are our brothers’ keepers, dadalhin natin ang ating bansa, ang ating mga kababayan sa mas maunlad na bukas.

Maraming-maraming salamat. [Palakpakan] Mabuhay! God bless you all!