Nakadaupang-palad ng Pambato ng Daang Matuwid na si Mar Roxas ang libo-libong residente ng Romblon, Romblon, sa kanilang pagdiriwang ng Biniray Festival, nitong ika-9 ng Enero, o Pista ng kanilang lokal na Sto. Nino. Sinimulan ang pagdiriwang sa pagkakaroon ng isang misa sa Romblon National High School Grandstand at sinundan naman ito ng isang parada patungo sa Pier ng Romblon.

Nakiisa si Roxas sa pagdadala ng Sto. Nino patungo sa Pier kung saan isinakay ang rebulto sa bangka at umikot ng pitong beses gaya ng nakaugalian. Sa kanyang paglalakad kasabay ng iba pang mga deboto ay nakikumusta si Roxas lalong-lalo na sa mga nakita niyang matatanda, may kapansanan at mga bata. Iba’t ibang tribo at grupo ang nakadaupang-palad ni Roxas sa nasabing pista.

Pagkatapos ng nasabing pagdiriwang, pinaunlakan din ni Roxas ang imbitasyon upang makapagsalita sa dayalogo sa pagitan ng iba’t ibang mga punong-barangay at opisyales sa buong Romblon. Dinaluhan ito ng 214 na opisyal mula sa 219 na barangay sa buong lalawigan.

IMG-20160109-WA0016

Sa kanyang talumpati, lubos na nagpasalamat si Roxas sa mga residente at lokal ng pamahalaan ng Romblon dahil sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa kanya, maging ang pagkakakapresenta ng mga resolusyon na nakaangkla sa pagpapatuloy at pagpapalawak ng Daang Matuwid.

“Malaking karangal para sa akin na makadating dito sa inyong fiesta,” wika ni Roxas. “Nagpapasalamat din ako sa lahat ng resolusyon, mga resolusyon na ipinagkaloob ng provincial sanggunian, Mayor’s League, at Councilor’s League.”

“Hinding-hindi ko po makakalimutan ang Romblon. Maraming-maraming salamat sa inyong lahat,” dagdag niya.

Mas pinagtibay ni Roxas ang namumuong suporta na ipinapahayag ng lokal at probinsyal na pamahalaan ng Romblon sa pamamagitan ng pag-iisa-isa ng mga konkretong nagawa na sa pamamagitan ng Daang Matuwid na pamamahala. Binanggit niya ang progreso sa pangkalahatang pangkalusugan dahil sa mga programa gaya ng PhilHealth, pati na rin ang pagbibigay ng malaking atensyon sa pagpapabuti ng kalagayan ng bawat pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng mga resolusyong gaya ng 4Ps. Tunay na ang mga programang ito ay manipestasyon na sa Daang Matuwid, maging ang mga malalayong isla ay nabibigyan ng sapat na programa at atensyon na magpapabuti sa kaalagayan ng mga mamamayang Pilipino.

“Ito yung ating programa: sisiguraduhin natin na hinding hindi kayo maiiwanan at hindi lang ito isang pangako, hindi ito isang ‘wish ko lang.’ Dahil may patunay na tayo rito eh, nagawa na natin ito,” ani niya.

IMG-20160109-WA0021

Hindi rin kinalimutan ni Roxas ang partisipasyon ng kabarangayanan at ng mga lokal na pamahalaan sa pagkakamit ng kasalukuyang natatamasang kaunlaran:

“Lahat ng programang ito ay totoo, makabuluhan at mga serbisyong nagawa na natin. Tayo ang gumawa nito,” idiniin ni Roxas. “Walang tagumpay ang bansa natin, walang tagumpay ang nasyonal kung hindi matagumpay ang pamilya at hindi matagumpay ang kabarangayan.”

“Tagumpay ng mga munisipyo, tagumpay ng mga barangay. Tagumpay ng probinsya, tagumpay ng mga munisipyo. Tagumpay ng mga rehiyon, tagumpay ng mga probinsya. Tagumpay ng ating bansa at tagumpay ninyong lahat.”