Isang malaking pribilehiyo kay Mar Roxas ang magsilbi sa bayan. Pinasasalamatan ng Pambato ng Daang Matuwid ang sambayanang Pilipino na sumusuporta at nagpapatibay ng mga programa at proyektong isinulong niya tungo sa isang progresibong bansa. Ang tagumpay ng mga programa’t proyektong ito ay dahil sa pagsisikap at pagtitiwala ng mga Pilipino sa Daang Matuwid. Sa pagtatapos ng taong 2015, muli nating sariwain ang mga napagtagumpayan ng sambayanang Pilipino at ni Roxas bilang Kalihim ng Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan.

469 Trak ng Bumbero

Law&Order_Firetrucks

Mula Enero hanggang sa huling buwan ng 2015, may 469 fire trucks (trak ng bumbero) na nabili na ng  pamahalaan upang siguraduhin na bawat isang lokalidad sa bansa ay may maayos na mga kagamitan sa oras ng sakuna. Sa kasalukuyan, may 197 firetrucks na ang naipamahagi kasama ng iba pang kagamitan tulad ng mga uniporme ng sasaklolo sa sunog at fire station. Sa pamamagitan ng pamamahagi ng firetrucks, nasisiguro na nagkakaroon ang mga pamayanan ng mas mabilis, mas moderno at mas epektibong paraan ng pagsugpo ng sunog, dahilan upang magkaroon ng mas ligtas na pamumuhay sa bawat lokalidad.

OPLAN Lambat-Sibat

Law&Order_LambatSibat

Kapansin-pansin din ang mataas na bilang ng mga naarestong tao na lumalabag sa batas sa pamamagitan ng Oplan Lambat-Sibat. Bumaba ng 60 porsyento ang bilang ng krimen sa National Capital Region (NCR) kung saan unang pinatupad ang nasabing programa. Sa katunayan, 716 na most-wanted at high profile na kriminal ang naaresto na. Dahil sa dulot nitong pagbubuti sa peace and order, pinapalawig na ang Lambat-Sibat sa mga karatig na lalawigan ng NCR.

1,470 PNP Patrol Jeeps

Law&Order_PatrolJeeps

Pinasinayaan din ni Roxas ang pamimigay ng PNP Patrol Jeeps sa lahat ng bayan sa bansa upang masiguro na may sapat na kagamitan ang kapulisan sa pagsugpo ng krimen at sa pagpapanatiling ligtas ng bawat pamayanan. Sa kasalukuyan, nasa 94 porsyento (1,384 sa kabuuang 1,470) na ng mga lalawigan ang nakatanggap ng patrol jeeps at nagagamit na ito ng kapulisan tungo sa mas modernong paninilbihan.

OPLAN Listo at Disaster Rehabilitation Efforts

DisasterPreparedness_OplanListo

DisasterPreparedness_RayBea

Bukod sa mga proyektong tumututok sa kaligtasan ng mga mamamayan laban sa krimen, binigyang pansin din ni Roxas ang pagkakaroon ng sistema upang mas maging handa ang Pilipinas sa pagdating ng kalamidad tulad ng lindol at bagyo. Sinimulan niya ang Oplan Listo kung saan mas naging mabilis ang pagresponde ng pamahalaan sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng kalamidad. Pinasinayaan din ni Roxas ang iba’t ibang Disaster Rehabilitation Efforts na ang layunin ay maibalik ang operasyon ng pinakamahalagang institusyon sa bawat lokalidad tulad ng palengke, munisipyo at iba pang civic centers. Tinatayang nasa 94.5 na porsyento na ng mga naitalang pangangailangan ang nakumpleto na bago matapos ang taon.

1SF: Dahil karapatan ang bahay

Governance_ISF

Kabahagi din ng pag-iwas sa mga kalamidad ang paglilikas sa mga pamilyang nasa mapanganib na lugar. Sa programang One Safe Future (1SF), nabibigyan ang mga informal settler families (ISF) ng ligtas na tirahan upang mailayo sa posibleng kapahamakang. Ngayong taon, umabot na sa 20,003 na ISFs ang nabigyan na ng pabahay.

Bottom-Up Budgeting

Governance_BUB

Ipinagpatuloy din ni Roxas ang pagsusulong ng Bottom-Up Budgeting Program kung saan ibinibigay ang kapangyarihan sa mga lokal na pamahalaan upang magtala ng mga proyektong kailangan ng kanilang lugar. Sa loob ng isang taon, nasa 14,453 na proyekto na pinili ng tao na ang napondohan gamit ang ganitong sistema. Ilan sa mga halimbawa ng mga proyekto ang pagpapagawa ng kalsada, pag-aayos ng linya ng kuryente, mga imprastraktura para sa kalusugan at edukasyon, at iba pang programang nakaangkla sa pagkakaroon ng mas maayos at magandang estado ng pamayanan.

Nais pang paigtingin ni Roxas ang pagbibigay ng kapangyarihan sa mga tao sa pagpili ng mga proyekto para sa kanilang pamayanan. Kaya, kung siya’y papalarin, papasinayaan niya ang Walang Iwanan Fund. Sa Walang Iwanan Fund, paglalaanan ng P1,000 halaga ng proyekto ang bawat Pilipino. Ang pondong makakalap ng isang pamayanan ay mapupunta sa mga proyektong napili ng mga mamamayan nito. Tinatayang P100 bilyon (P1,000 sa bawat Pilipino) ang ilalaan sa pagsasagawa ng Walang Iwanan Fund.

SALINTUBIG

Governance_Salintubig

Kabilang din sa mga tagumpay na pinasinayaan ni Roxas ang pagbibigay ng maayos at malinis na supply ng tubig sa pamamagitan ng Salintubig Program. Tinatayang nasa 237 na pamayanan, o humigit-kumulang nasa 140,000 na kabahayan na dating walang sapat at malinis na tubig ang nabigyan ng tubig sa pamamagitan ng Salintubig.

Seguridad sa pagbisita ng Santo Papa

Governance_PopeVisitGridDesign

Naging matagumpay ang pagbisita ng Santo Papa sa bansa noong Enero dahil na rin sa masusing pagpaplano ni Roxas at mga kawani ng DILG ng grid design. Ang grid design na ito ang sinundan ng Papal entourage para maayos at ligtas ang paggalaw ng Santo Papa sa Luneta na dinaluhan ng halos pitong milyong katao.

Ilan lamang ang mga programa at proyektong ito sa mga napagtagumpayan at nakamtan sa pamumuno ni Roxas bilang isang kalihim, at isang lingkod-bayan. Sa loob ng isang taon, sinikap ni Roxas na makapagbigay ng serbisyo lalo na sa pinakanangangailangang komunidad at pamilya. Tunay na kay Roxas ay may narating na, at malayo pa ang mararating ng bansa.