Ambush Interview with Mar Roxas
at San Fernando City, Pampanga
[December 18, 2015]

Question: Sir yung campaign niyo dito sa Central Luzon, sinusulong po ng Pampanga Chamber Of Commerce, ‘yun po yung initiation po ng plan para ma-decongest ang Manila. ‘Yun din po ang sinasabi ni Duterte, pero hindi po nabanggit ni President Noynoy ‘yun sa anim na SONA niya. Kayo ho ba, may balak kayong i-develop ang Clark International airport?

MAR ROXAS: Oo naman, nung ako’y DOTC, diyan nagsimula yan. Kausap natin si Mr. Levi Laus, si Congresman Oca Rodriguez, si Governor Lilia Pineda, dahil pinaaral nga sa akin ng Pangulo yung expansion ng airport at ‘yun ang findings ng aking pag-aaral na limitado talaga yung NAIA dahil 440 hectares lang, samantala dito sa Clark ay 2,000 hectares.

Kaysa gagastos pa tayo, magre-reclaim, gagastos pa tayo, magpapalipat ng tao, eh may dalawang libong ektarya na rito na gawa na. So ang gagastusan nalang natin yung imprastruktura na double purpose, hindi lang para sa airport, lahat ng mga pamayananan, lahat ng mga bayan, mga lungsod na dadaanan nitong imprastruktura na ito, kalye at saka tren, ay matutulungan din.

So maganda na ilipat natin sa Clark yung airport. Hindi naman agad-agad na sasarhan yung NAIA at kumbaga ay lahat ng airport development ay step by step ‘yan eh. Yung dating… ‘Yung original airport ng Kamaynilaan is yung Ayala Avenue, yung Ayala Avenue sa gitna ng Makati, ‘yan yung… Dati ‘yan yung gilid, ‘yan yung dulo ng pamayanan ng Manila.

So lumawak na ‘yan, inilipat naman ito ngayon sa Parañaque. O, ngayon napalibutan na yan eh, diba? So kailangan din naman ngayon ng isang airport dito sa Norte at isang airport doon sa Sur.

Question: Sir in 2012 you pointed out sir, the limitation in the fast train, the largest [unintelligible]. Through the years, from 2012 to now, why hasn’t it happened yet?

MAR ROXAS: I don’t know, that was something that we saw na kailangan fast train. Hindi pwede yung North Rail, kasi yung North Rail is a commuter train, mabagal ‘yan eh. It will take more than an hour for a tourist…Iba yung purpose ng Commuter rail, iba ‘yung purpose ng fast train. Nakikita ko rito sa fast train na ito, ang gagamitan niyang right of way or gagamitin niyan alignment is either on top of or katapat or kasabay ng NLEX, kasi dere-deretso ‘yan eh. Ang fast train, hindi pwede na makurba kasi kailangan, babagal ‘yan, so kailangan deretso ‘yan. Thank you.

Question: Ah sir you mentioned about the barangay being the frontliners sa disasters, na kamakailan lamang ay dalawang bagyo hinarap natin ngayon. Paano ba natin palalakasin itong mga barangay?

MAR ROXAS: Kaya nagpalabas tayo ng Oplan Listo na nagbibigay sa kanila ng isang template, isang checklist kung ano ang gagawin basta may parating na na sakuna o kalamidad. Para hindi na yung naghahagilap pa, hindi na yung tsa-tsamba, hindi na yung parang doon palang sila magsisimula sa paghahanda. Naka-checklist na lahat ‘yan, lahat ng best practice na nakikita natin sa buong bansa. Halimbawa, yung mga best practice ng Albay ay pinasok na doon sa protocol na iyon para lahat ng pamayanan, lahat ng mga mayors, lahat ng mga kabarangayan ay meron nang checklist, meron nang template na susundin sa paghahanda sa pagdating nga kalamidad.

Question: Sir coming back, yung sinasabi nilang gusto daw sana…

MAR ROXAS: Dapat lang natin pag aralan ‘yan. Alam mo sa darating na mga taon at dekada, ang pinakamalaking hamon ng haharapin ng lahat ng lipunan ay yung hamon sa tubig, malinis na tubig. Tulad sa atin dito, either sobra-sobra ang tubig, nababaha tayo, rumaragasa, nasisira yung mga bahay, natatangay ang mga tao, nagiging biktima. Palabas lang ‘yan hanggang sa dagat. O di kaya panahon ng tagtuyo, drought, kulang na kulang sa tubig.

So water is going to be a very, very important resource in the next years and decades. Kaya itong idea na iimbakin natin ang tubig, pagbuhos ng tubig, lalo na sa kabundukan natin, iimbakin muna natin doon para hindi siya rumagasa at salantain yung mga pamayanan sa mamabang lugar palabas sa dagat at unting-unting ilabas ay magandang idea iyan. Hindi ko lang alam yung specific engineering kaya ang sinabi ko ay aaralin ko at bukas ako dahil ‘yan naman dapat talaga ang approach dito sa pagbaha at pati narin sa tubig.

Question: Sir sabi daw po ni VP Binay, ceasefire or time-off po sa sagutan ang mga kandidato ngayong Kapaskuhan.

MAR ROXAS: Dapat lang, in fact, hindi lang during Christmas season. Whole year, sa 2016, ‘yan po ang makikita ninyo sa amin na kung saan doon tayo sa issues. Saan ba natin dadalin ang ating bansa? Mga pangarap ng isang daang milyong Pilipino ang pinag-uusapan dito. Ano ba ang plano? Hindi lang yung wish ko lang, hindi yung ‘gagawin ko to, gagawin ko ‘yon’, pero papaano? Saan mo kukunin ang pera, ano ang pamamaraan, para specific, hindi yung pa-tsamba, hindi yung bara-bara. Para sa amin sa Daang Matuwid, dapat lang na ito ang mga pinaguusapan.

Question: Mas malinaw ba sir kung debate nalang? Magdebate nalang ang mga kandidato?

MAR ROXAS: Oo naman. Hindi naman ako umaatras sa kahit anong debate. You have attended all of these fora and forums, nag-aattend naman tayo diyan.

Question: Tama po bang sabihin na hindi dapat sabihin na Wharton graduate ang isang UPenn degree, kasi ini-insist ni…

MAR ROXAS: Alam mo nagsalita na yung Wharton School mismo, nagsalita na yung University of Pennsylvania. Kung ayaw niya maniwala, ‘di naman importante sa akin ‘yun. Kung ang eskwela mismo ang nagsasabi na graduate ako with a Bachelor of Science Degree in Economics, eh ano pa ba naman ang kailangan kong patunayan sa kanya?

Question: How does it make you feel na yung Wharton na ginawang issue din ni Mayor Duterte, medyo out of the blue?

MAR ROXAS: Nagulat ako, nabigla ako dahil medyo mababaw, diba? Lalong-lalo na na totoo naman na ako ay nag-graduate doon, diba? May mga classmate ako, may mga kasama ako na nagsasabi magkasama kami roon. So kung ito nalang, ganito kababaw ang mga issue, eh siguro siya ang dapat tanungin tungkol diyan ano? Para sa amin, napakahalaga, issue kung saan natin dadalhin ang bansa, ano ang mga pamamaraan, ano bang ibig sabihin ng inclusive growth para sa bawat kandidato. Kami malinaw sa amin kung ano ang inclusive growth. Sisiguraduhin natin, parang bibingka, may project mula sa taas, may project mula sa baba para walang bayan ang naiiwanan sa progreso ng buong bansa. ‘Yan ang dahilan kung bakit meron tayong BUB to the max, yung Bottom-Up Budgeting to the max, na tinatawag din nating ‘Karapatan Fund’ o kaya ‘Walang Iwanan Fund’ na kung saan lahat ng bayan dito sa ating buong bansa ay magkakaroon ng minimum level of development batay doon sa bilang ng residente nila.

Question: Any reaction po doon sa Comelec accepting the COC of Mayor Duterte?

MAR ROXAS: Eh di good, eh di ngayon, eh di mag-debate na kami tungkol sa kung saan namin dadalhin ang bansa.

Question: Sir willing daw siya makipag-debate sa inyo anytime.

MAR ROXAS: Hindi ko siya aatrasan. Anytime. Ngayon na! Gawin na natin ngayon, mamaya magbabago nanaman isip nya.

Question: Sir si VP Binay said that some of his allies are shifting to Mayor Duterte [unintelligible]

MAR ROXAS: I think VP Binay really does not mean that because wala namang ganung nangyayari. I think wala lang siya talagang masabi tungkol sa mga paratang, tungkol sa mga kaso na inihain laban sa kanya kaya nililihis niya yung usapan. So much for the Christmas season diba? [All laughing] Sa bagay hindi pa naman Pasko eh, sige.

Question: Sir yun nga po, sa tingin niyo po ba dito si Gloria will be a factor dito po sa kung papaano boboto ang mga Kapampangan sa pagpili ng kanilang pangulo?

MAR ROXAS: Marahil, kababayan nila ang dating pangulo, pero palagay ko titingnan din nila kung anong kaginhawaan, anong progreso ang naihatid ng kasalakuyang administrasyon sa kanilang pamumuhay dito. So diyan nakabatay, nakabase ang ating kampanya. Maraming salamat, magandang tanghali.