Ambush Interview with Mar Roxas
at Legazpi City, Albay
[December 16, 2015]

MAR ROXAS: Tinawagan tayo ni Governor Salceda at Mayor Rosal. Nasa Cebu tayo kaya malapit naman lang at nagpunta dito para magbigay ng kahit na moral support, kahit anong klaseng support na kakailanganin ng mga kababayan natin dito. Alam naman natin na ang Albay ay modelo sa pagiging disaster prepared sa ating buong bansa at ka hanga-hanga ang mga paghahanda dito sa Albay. Albay shows the way sa aking trabaho sa pagiging DILG, ay Albay naman talaga ang modelo sa disaster preparedness at saka sa recovery at response. So natawagan tayo ni governor Salceda at natutuwa naman ako na kahit papano ay nakatulog tayo dito.

Question: Sir ano po ang maitutulong natin sa mga damages dito sa Albay?

MAR ROXAS: Well, tulad nung nasabi ni Governor Salceda yung napakarami ng mga food at shelter na naparating dito nasa distribution, nasa execution ng local government units na yan. Ang kanilang pangangailangan ngayon yung siguro tulong mula sa national government sa kuryente at sa pakikipag ugnayan sa cellphone companies para sa lalong madaling panahon ay makolekta, magkaroon ng regular na komunikasyon dito sa kabuoan ng Bicol Region.

Question: Dadating po bukas si presidente dito?

MAR ROXAS: Ah hindi po kami nagsasabi tungkol sa schedule ng pangulo for security reasons.

Question: Sec Mar, physically po ba nakita natin yung Albay model po. Will this be part of your DRRM platform?

MAR ROXAS: Well in fact, meron na tayong tinatawag na OPLAN LISTO.. Yung best practices ng Albay from three or four years ago ay na-incorporate na sa OPLAN LISTO na ngayon sinusunod ng lahat ng mga LGU’s sa ating buong bansa. So merong actual to do list. Hindi na yung pa-chamba, hindi bara-bara, hindi yung kanya-kaya. Pero merong specific na to do list na dapat ginagawa ng bawa’t punong bayan, punong lungsod at kasama na rin yung mga DRRMC, the respected DRRM’s para hindi nalilito, hindi nabibigla, hindi nagugulat pag dumating na yung sakuna. So, ito yung OPLAN LISTO at nakikita natin na sa kabuoan yan ang dahilan kung bakit bawas na bawas ang bilang ng mga biktima tuwing may bagyo.

Question: Sir, meron pa ba kayong gustong baguhin, I mean sa DRRM efforts?

MAR ROXAS: Nakikita natin every storm, of course trahedya ito, at malaking pinsala ito sa mga kababayan natin. Pero nagiging learning experience din ito. So tulad ng nakita natin dito, siguro yung susunod na pagi-investan ng pamahalaan will be sat-phones and other forms of communcation na kahit may bagyo pa, kahit bagsak yung cellphone system, may komunikasyon pa rin sa iba’t – ibang mga pamayanan sa atin bansa. Isa yan, isa sa mga learnings yan.

Ngayon, natuto na tayo noong nakaraang mga taon na nagpi-pre-position tayo ng pagkain, maganda yan. Ngayon naman, siguro, ay dapat mag pre-position din tayo ng mga Gen Set. Kasi mahirap mamuno, mahirap manungkulan, mahirap tumulong sa ating mga kababayan kung wala man lang ilaw o kuryente para sa komunikasyon, para sa datus, sa computer, etc. sa iba’t-ibang mga pamayanan. So, these are all learning experiences na nakikita naman natin, taun-taon ay gumaganda ang ating disaster preparedness and response.

Question: Sir, vital kasi yung forecasting pagdating sa paghahanda. Now, Project NOAH kasi, for instance, is just a project under the Aquino administration. Are we expecting that in case you win, you will continue…

MAR ROXAS: Ahh, lalong itutuloy natin ito, at lalong papalawakin. In fact, isa sa pinakaimportanteng accomplishment ng Pangulong PNoy at ng Daang Matuwid ay yung pagi-invest natin sa teknolohiya, na kung saan kung dati-rati 24 hours lang or less ang ating notice, ngayong dumadating na sa hanggang 4 days. Hindi pa nga pumapasok sa Philippine Area of Responsibility, which is about 1,000 km. away sa Pacific Ocean, pumuporma pa lang ang bagyo doon sa Pacific Ocean ay nagkakaroon na tayo ng warning. Kaya yung ating punong lalawigan, punong lungsod, punong bayan ay nabibigyan ng sapat na pagkakataon na maghanda at nailalayo natin sa kapahamakan.

Pangalawa, yung accuracy ng ating forecasting ay napakaganda. Nasasabihan natin yung mga komunidad na talagang dadaanan nitong mga bagyong ito na sila ang talagang dadaanan break… handang mag-comment dahil hindi po natin alam kung ano ang bilang ng kanilang ng mga helicopter.

Thank you very much…