Hindi Lang “Pondo Para sa Pobre”

Abot ng 4Ps kahit ang masisikip at madilim na kalsada.

Libo-libong ​mga Pilipino ang nakatira sa Brgy. 165, Bagbaguin, Caloocan City.  ​Karamihan sa​ kanila, aminadong​ nakaranas ng​ isang kahig, isang tuka ​na pamumuhay. ​Pero dahil sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), naramdaman nilang gumagawa ng paraan ang pamahalaan​ upang ​maibsan ang kahirapang kanilang nararanasan araw-araw.

​”​Hirap, magulo ang buhay kasi anim ang anak ko. ‘Yung mga anak kong high school noon, di namin masuportahan,” kuwento ni Rowena Tan, 37, tungkol sa kanyang buhay bago naging kabahagi ng 4Ps.

​Si Aling Rowena ay isa lang sa napakaraming ​ina na dumalo sa isang pagtitipon para sa Daang Matuwid sa kanilang barangay. Kasama niya ang ilang daan pang mga  ilaw ng tahanan na nagpapasalamat sa suportang pinansyal na hatid ng 4Ps.

Iba-iba man ang hamon na hinaharap nila sa buhay, pare-parehong nagsilbing pantugon sa mga gastusin sa pagkain, malinis na tubig, at pag-aaral ng kanilang mga anak ang sustentong ibinibigay sa 4Ps.

“Yung 4Ps, dagdag puhunan ang itinulong sa akin,” ani Mary Jane Gacotara, 42, na natutong magnegosyo dahil sa Pangkabuhayan Training sa 4Ps at nakapagtayo na ng sariling tindahan.

Lahat sila, nananawagang ipagpatuloy ang nasimulang 4Ps dahil hindi lamang nito itinatawid ang araw-araw na gastusin ng isang pamilya, bagkus tumutulong itong iangat ang kanilang pamumuhay upang hindi na nila maipamana ang kahirapan sa kanilang mga anak.

“May mas mahirap pa sa amin, malaking bagay na ‘yun​ [conditional cash transfers]​ sa kanila. ‘Pag ‘yan ang nawala, mas lalong maraming mawawalan, mas lalong maraming mahihirapan​,” pahayag ni Aling Rowena. ​

Ang mga ganitong kuwento mula sa ating mga kababayan ang inspirasyon ni Mar Roxas upang ipagpatuloy ang Daang Matuwid.

Sa isang panayam, sinabi ni Roxas na sa likod ng bawat storya na ito ay isang pamilya na nais makaahon; nagsasakripisyo, nagsususmikap, ibinibigay ang lahat para magkaroon ng pag-asa ang mga kabataan. Dahil sa kanila, mas nagiging makatotohanan ang paglaban upang ituloy ang Daang Matuwid.

 

Rowena Tan, may anim na anak, ay may lakas ng loob na harapin ang hamon ng buhay. Dahil sa 4Ps, aniya, nagkakaroon siya ng kumpyansa para sa kinabukasan ng kanyang mga anak.

Rowena Tan, may anim na anak, ay may lakas ng loob na harapin ang hamon ng buhay. Dahil sa 4Ps, aniya, nagkakaroon siya ng kumpyansa para sa kinabukasan ng kanyang mga anak.

“Minsan, tao lang po ‘yung di marunong tumingin ng kung ano ang matuwid. Di lang po nila nakikita kasi nakapikit sila,” pahayag ni Aling Rowena.

“Sana kung ano ang nakikita nilang maganda, maganda din ang sasabihin nila. Tao lang tayo. Ang presidente natin, tao lang,” dagdag pa niya.

Umaasa si Aling Rowena, na kung papalarin, mapapalawak pa ni Mar Roxas ang mga nagawa na ni PNoy.

“Kung anuman ‘yung nagawa ni PNoy, kung kaya niyang mahigitan, sana magawa niya,” ani Aling Rowena.