Speech of
Mar Roxas
at the Leadership Seminar in the University of Visayas
Cebu City
[November 12, 2015]

Thank you, Glenda, for your very kind and gracious introduction.

Of course, I’d like to greet my mentor, who’s very, very kind, very gracious. All the things that he mentioned was when he was my senior in the House of Representatives. Ang nangyari was namatay nga ‘yung kapatid ko at nagkaroon ng special election, so by accident, or hindi sinasadya na pumasok ako sa Kamara de Representante.

Manong Eddiegul [Eddie Gullas], as we call him, si Eddiegul, na sabi niya sakin, he called me, “Young man, hindi mo ako kilala, but I know you and I know your father. And gusto kitang turuan. Gusto kitang mabigyan ng wisdom and learning para hindi ka maligaw. Para hindi ka mapunta sa masama.”

So at the time that he was telling you about my accomplishments as majority leader and as congressman, he is very, very gracious, very humble, hindi niya sinabi na siya ‘yung Deputy Speaker noong panahon na iyon at siya ‘yung nagga-guide sa akin. Manong Eddie Gullas. [Palakpakan]

Thank you very, very much. Malaking karangalan para sa akin na ikaw, isang nirerespeto ko, ang nagpakilala sa akin sa iyong mga kasamahan at mag-aaral dito sa University of Visayas. Thank you very much, Manong Eddie Gullas. [Palakpakan]

Of course, may kasabihan tayo na ang prutas, ang bunga, hindi nahuhulog malayo sa puno na pinanggalingan. Andito, very quiet also, very unassuming, hard worker, tahimik magtrabaho ito pero kung sa Bisaya pa, “May agi”—may kabuluhan ang kanyang trabaho even if hindi tawag-pansin. A young man with a bright future, nirerespeto siya ng kanyang mga kasamahan sa Kongreso, and in fact, proud na proud ako, proud ako noong sinabi niya na, “Sir Mar, ako, tawag ko sa sarili ko, ‘anak ako ni Mar’ dahil sinusuportahan ko ang Daang Matuwid kahit pa hindi kami magkapartido.” Iba ang aming partido at siya ay apo na ng kilala kong si Manong Eddie Gullas, pero talagang na-touch ako at na-proud, naging proud ako na isang tulad niya na kilala, mahusay, nirerespeto, ay tumatangkilik din sa Daang Matuwid. Congressman Samsam Gullas. [Palakpakan]

Masasabi ko lang, Samsam, na si Manong Eddiegul, mas bagets pa ang suot niya kaysa sa ating dalawa. [Tawanan] Talagang pangbagets yung suot ni Manong Eddiegul, ha. Talaga naman.

Of course, to the administration, the faculty, the teachers, all the members, and of course, the students, in particular the members of the Supreme Student Council led by Glenda here, sa inyong lahat:

Magandang-magandang umaga. Maayong aga! Maayong buntag ta sa inyong lahat! [Palakpakan]

Ang akon na Bisaya, Inilonggo na Bisaya. [Tawanan] So sa amon na Ilonggo, pero basi makasabot man kamo na nalipay gid ako. Nalipay ako makabisita diri sa inyo kag a mahatagan sang kahigayunan, sang tsansa na makipaghenon-anon sa inyo tanan. [Palakpakan]

Lisod ako magsulti sang Cebuano na Binisaya. So kung okay sa inyo, mix na, mix na. Puwede? [Mga tao: Puwede!] Puwede. Okay.

Sa totoo lang, ninenyerbyos ako eh. [Tawanan] Kasi talagang alam n’yo, di ba napag-aralan natin ito, sabi ni Jose Rizal, aAng kabataan ang kinabukasan, ang pag-asa, ang kinabukasan at pag-asa ng ating bayan. Di ba? So actually, ang kausap ko dito ay ang “kinabukasan ng Pilipinas.” Sa ayaw at sa gusto ninyo, kayo ang susulat, kayo ang huhubog, kayo ang magpapanday ng kinabukasan ng ating bansa—ng kinabukasan na siyang titirhan ninyo, dahil kung ano man ang kinabukasan na ito, kayo rin ang titira sa mga panahon na ito.

Iyan ang dahilan kung bakit ninenyerbiyos ako dahil kayo ang talagang bukas ng ating bansa. Kaya naisip ko, bago ako magbigay ng aking mensahe ay kilalanin ko muna kayo. Itong uniform [tinukoy ang isang uniporme ng mag-aaral], natanong ko, is Education, di ba? So Education. Ito naman [tinukoy naman ang uniporme ng isa pang mag-aaral], Criminology ang kanilang kinukuha.

Iyang uniform na iyan, what is that? ‘Yung gray? Ha? [Tinanong ang isang babaeng mag-aaral] What’s your name? [Mag-aaral: Judiville Rose Macarisas.] And what is this uniform? [Macarisas: For Business Administration.] Business Administration. What year ka na? [Macarisas: Fourth Year.] Fourth year, graduating na, okay, very good. So Business Education.

Iyang green [na uniform] is different from that green. What is that green naman? [Isang mag-aaral: University of Visayas.] Ah, University uniform, parang general.

Okay. And of course, Marine, mga magiging marino natin. Because sila ‘yung magiging kapitan, opisyal, di ba, ng mga barko sa… tama, hindi ba? Ha? Bakit kayo ano, hindi kayo bilib sa kanila? [Tawanan]

Sa totoo lang, yung parang comment, nanggagaling dito sa kababaihan, eh puros mga makikisig at mga guwapong kalalakihan ‘yung nandoon. [Hiyawan] Baka mag-nobyo sila. [Tawanan] Ha, hindi? So that’s Marine. What are the courses? Transportation, a degree in Transportation.

‘Yung mga civilian, ano naman ang course niyan? Parang ‘yung naka-civilian na— ‘yung regular, ‘yung walang uniform, ano ‘yan? Ha? Pampadagdag lang? [Tawanan] [Sa isang mag-aaral] Ano, what is your course, what is your course? Psychology, ‘ba, okay, masa-psychologize mo ako ha. [Tawanan]

[Sa isang grupo ng mag-aaral] Eh kayo naman? Computer Engineering, wow! Kayo ‘yung mga kukuha ng mga software, gagawa ng software, like that.

[Sa isa pang grupo ng mag-aaral] Kayo? Business Ad also? Mass Communication. Okay.

So natututuwa ako na makita na ang kinabukasan ng ating bansa, medyo kumpleto. Merong magiging magtuturo. Merong magbabantay sa ating kaligtasan, seguridad. Merong mga magnenegosyo, susulat ng mga programs sa computer. Paglalayag, bilang mga opisyal sa mga barko. Meron pa ngang magsa-psychologize sa atin. [Tawanan] Lahat, di ba? So kumpleto. At kung tatanungin tayo—Ano ang estado ng kinabukasan ng Pilipinas? Ang sagot ko ay “Matatag. Mahusay. Maganda.” Dahil kayo ang kinabukasan at nakikita ko sa inyo ang mahusay at matatag at maayos na pamamalakad ng ating kinabukasan. Congratulations sa inyong lahat! [Palakpakan]

Narating, or mararating, ng bawat isa sa inyo ang pinaka-ideal ng bawat pamilyang Pilipino magmula pa sa kapanahunan ni Rizal. From that time until today, the ideal of every Filipino family is to become an educated Filipino. Iyan, narating ninyo at mararating ninyo sa inyong pagtatapos sa inyong pag-aaral. Congratulations sa inyong lahat. [Palakpakan]

Hindi madali, hindi madali ang pagdating sa araw na ito. Maraming sakripisyo, maraming trabaho, mga magulang natin. Baka nga kailangan isa sa mga kapatid natin ay tumigil sa pag-aaral para lang makapagpatuloy tayo. Tama? [Mga mag-aaral: Tama.]

Kaya napakahalaga ng pinanghahawakan nating edukasyon at kaalaman. Marami tayong kasama sa pagdating sa araw na ito, at marami ang umaasa sa atin na makakapagtapos tayo, na matapos ng pagtatapos ay makakatulong tayo sa ating mga pamilya. Tama? [Mga mag-aaral: Tama.]

Kaya tama lamang din na ilagay natin sa konteksto ‘yung ating pag-uusap ngayon. You put it in the right context, that we did not arrive at this day alone. Many have sacrificed, many have worked hard, our parents most especially—our siblings, our brothers and sisters. So tayo ang nagiging poste ng kinabukasan ng ating mga pamilya. Tulad ng nasabi, kung ang kinabukasan ay ang kabataan, kung ang kinabukasan ng bayan ay kabataan, kinabukasan ng ating mga pamilya ay ang mga kabataan din. Kayo din iyon.

Kaya sa Daang Matuwid, nakatutok tayo. Ang buong programa ng Daang Matuwid, mula ng pinagsimulan ito ni Pangulong PNoy, ay nakatutok sa pamilyang Pilipino at sa pagbibigay sa bawat pamilya ng pinanghahawakang pagkakataon. Hindi lang ‘yung sa laway, hindi ‘yung sa tarpaulin, hindi yung sa photo-op, pero yung makatotohanang pinanghahawakang pagkakataon na maisakatuparan ng bawat pamilya ang kanilang pangarap para sa sarili.

Because there is no victory for our country if our families are not victorious, tama? Ang bansa natin ay binubuo ng pinagbigkis na pangarap ng bawat pamilyang Pilipino. Walang pag-usad, walang progreso ang ating bansa kung hindi rin nagpoprogreso ang bawat isang pamilyang Pilipino. Dahil sa progreso ng pamilyang Pilipino, diyan din nagbubunga ang progreso ng ating bansa.

So kung titignan po natin, magmula sa 4Ps—sino ditto ang may kakilalang pamilya, kapitbahay na kabahagi 4Ps? Meron? Taas ang kamay? ‘Yung Pangtawid Pamilya Pilipio Program, ‘yung CCT na tinatawag… ‘yan. Dito sa likod. Ano ba ‘yang 4Ps na ‘yan? Programa ‘yan para ‘yan sa mga mahihirap, ‘yung mga naghihikahos, ‘yung mga situations na may kapatid tayo na kinailangang tumigil para magpagpatuloy tayo ay matugunan ng pamahalaan—masabi ng pamahalaan, masabi ng pamilya na tulungan kami para magpatuloy ang aming mga anak, hindi kailangang tumigil sa pag-aaral, at sa ganoon, ang mga magulang ay nabibigyan ng konkretong pinanghahawakang pagkakataon na makita na umakyat sa entablado ang kanilang mga anak at mag-graduate. Tama?

Lahat kayo, naranasan ninyo ‘yan. Umakyat kayo sa entablado at nag-graduate. Possibly the proudest moment of your life today. Parang, “Yehey!” Pero ‘yung “yehey” na ‘yon may kasamang responsibilidad. Tama? Responsibilidad na magpatuloy, na magsumikap, namagsakripisyo, para ‘yung pag-graduate natin sa high school ay hindi ‘yung katapusan pero sige-sige hanggang mag-graduate tayo sa college at pag-graduate natin magye-“yehey” ulit tayo. Tama? Pero muli ‘yang “yehey” na ‘yan may kaakibat, may kasamang responsibilidad, na maghanap ng trabaho, maghanapbuhay para makatulong sa ating pamilya. Tama? [Mga mag-aaral: Tama!)

Kay ganda ng asal ng mga Pilipino na lumingon sa pinagmulan: may sense of obligation sa pamilya, may sense of obligation sa komunidad. Kaya, sa Daang Matuwid, diyan tayo tumututok—sa pamilyang Pilipino—dahil ‘pag maunlad, masigla, maayos, ligtas ang pamilyang Pilipino, magiging maunlad, maayos, ligtas, at maganda rin ang sambayanang Pilipino. Mabuhay kayong lahat! [Palakpakan]

If you take a look at all the programs—4Ps, PhilHealth, TESDA, infrastructure—tens of billions, hundreds of billions of pesos are being invested in these programs because these are the programs that give life to the furtherance to the expression of the hopes and dreams of every family. That is why we are fighting for Daang Matuwid. That is why we are saying, now, imbis na “Palitan! Itigil! Ibagsak! Patalsikin!”, we are saying “Ituloy! Patibayin! Palawakin ang Daang Matuwid!’  because nakita natin that these programs helped so many families and helped our nation move forward towards progress. Palakpakan natin ang Daang Matuwid. [Palakpakan]

Many of you might be too young to remember. No, not “maybe”—certainly, all of you are too young to remember. In 1986, that was 30 years ago, wala pa namang 30 years old dito , di ba? Si Manong Eddie Gul 29 pa lang ‘yan. [Tawanan] Thirty years ago, bagsak na bagsak ang bansa natin. Dapang-dapa. We were under dictatorial rule. Ninanakaw ang ating pera. May karahasan. May disappearances. Walang hustisya, walang katarungan. Thirty years ago, our people, your parents, Cebu was a center of the opposition at the time. Your parents, your grandparents, stood tall. Stood firm. Sinabi, “Ayaw namin ng diktaturya! Gusto namin kalayaan, kasarinlan! Gusto namin maging malayang Pilipino! Alisin ang diktaturya! Ipasok ang maayos na pamamahala sa kay Tita Cory Aquino!” We did that. You did that. Your parents did that. Palakpakan natin ang ating bansa. [Palakpakan]

Since that time, our country has gone through ups and downs. Success and failure. Nawawala tayo sa landas. Lumilihis tayo sa kung saan ang tama. In fact, di ba, ang tawag satin [ay] Sick Man of Asia. Parang may sakit tayo: inuubo o  lumpo. Kasi hindi tayo makasabay sa ibang bansa. ‘Yung newly industrialized countries—Malaysia, Thailand, Singapore—lahat na itong bansa na ating kapitbahay, humaharurot sa kanilang pagprogreso. Tayo parang lumpo-lumpo. Kaya ang tawag sa atin, Sick Man of Asia. Parang may sakit tayo. Hindi tayo makasabay sa kanila.

I’ll give you just one statistic, one story. In the 1960s, Philippines and Thailand, pantay. Rural economies, relatively educated people, agrarian societies, so medyo pantay tayo. Ngayon, from 1960 to 2015, that’s 55 years later, two generations later, just two generations, Thailand has per capita income two times as of that of Philippines. Mas malayo ang narrating nila. Kaya ang tawag sa atin Sick Man of Asia. Pero ngayon, ano ang tawag sa atin? Five years after we all put together and work hard to put Pangulong PNoy as president, ang tawag sa atin ngayon is Asia’s Bright Spot. Dahil kinikilala ng buong mundo na malayo na ang narating natin. We have attained, for example, investment grade rating. Kung dati, ang tawag sa atin “junk bond,” parang junk lang, pang basura lang. Ngayon, investment grade na tayo. Ang layo na narating natin. Ngayon, apat at kalahating milyong Pilipino ang kabahagi ng 4Ps. There are four and a half million families whose children will surely graduate because natutulungan sila ng gobyerno na makarating sa narrating na ninyo at pag-akyat sa stage at mag-graduate. Millions have received a TESDA training. TESDA now, if you are a graduate, 85%, meron kang trabaho. In short, walo at kalahati, hindi ko alam kung papaano hinahati ang tao, pero walo at kalahati sa bawat sampung tao, automatic nakakakuha ng trabaho pag-graduate nila sa TESDA. Sa Philhealth, kung magkasakit ka ngayon, hindi ka mababaon sa utang. Dati kung magkasakit ang magulang mo, kapatid mo, kamag-anak mo, ibebenta mo ang lupain, ‘yung baboy, ‘yung hayop na inaalagan, uutang ka. Ang iba nagbebenta ng kidney para lang magkaroon lang ng pera pangtustos sa paggamot ng ating mahal sa buhay. Ngayon, P75B ang ginastos ng pamahalaan last year para sa gastusin ng lahat ng pagamot sa government hospitals—P75 billion. [Palakpakan]

‘Yang 75 [billion pesos] na ‘yan ay, in effect, savings mula sa mga nagkasakit kasi hindi nila kinailangang utangin o ibenta o hanapin ‘yung 75 billion na ‘yan dahil gobyerno na ang nagbayad sa mga doktor, para sa supplies, dextrose, medical supplies—[Sa isang mag-aaral] ito sa Nursing, medical. What’s your degree. [Mag-aaral: Dental po.] You know that. Sa mga gauze, syringe, lahat, plaka sa mga x-ray, lahat ‘yan, doktor, lahat ‘yan—P75B. Dati-rati wala ‘yan. Tayo maghahanap ng pera, uutang, ibebenta ang kaluluwa, para lang matustusan ang paggamot sa ating mahal sa buhay. Ngayon, ‘yang P75B, gobyerno na ang tumutugon. ‘Yan ang Daang Matuwid.

‘Yan ang dahilan kung bakit Asia’s Bright Spot na tayo. At lahat ito, lahat itong progreso, lahat itong kaginhawaan, masasabi natin na hindi si PNoy, hindi si Secretary Mar, hindi si Ma’am Leni Robredo, hindi kahit sinong politico ang gumawa nito, ang gumawa nito walang iba kung hindi kayo, ang bawa’t isa sa inyo, dahil lahat ito ay bunga ng inyo at ng inyong mga magulang pagpupunyagi, pagtratrabaho, pagsasakripisyo na nilalagay lang sa tama ng inyong pamahalaan ang paggastos nito. Kayo ang naghatid sa ating bansa mula sa Sick Man of Asia sa ngayon, Asia’s Bright Spot. Maraming salamat, congratulations. [Palakpakan]

At ngayon, dadating tayo sa isang sangang-daan tulad ng ating mga magulang in 1986. In 2016, 30 years later, just like our parents, we will come to a crossroads. Maganda ba ang nakikita natin? Maayos ba? In which case, ituloy natin. Magpapaakit ba tayo, sasama ba tayo sa sugal? Sa baka-sakali? Sa pag-u-turn o pag-iikot-ikot, pagpapasyal, hindi natin alam kung ano ang destinasyon? Sa kinalalagyan natin ngayon, sa daan, sa kalye na kinalalagyan natin ngayon, alam natin ang destinasyon. Alam natin kung papaano tayo dadating doon, at meron tayong patunay, meron tayong pruweba na mararating natin ito, dahil malayo na ang narating natin. O di kaya naman, makikinig tayo sa mga nagsasabi, “Baguhin! Patalsikin! Palitan!” ‘Yan po ang sangang-daan na haharapin natin sa darating na taon. Kabataan, inyong mga magulang, inyong mga kapitbahay, ang ating buong sambayanan, ano ba ang tatahakin natin?

Bago ka magtapos, nais ko magkuwento ng isang istorya. Sa kabundukan sa ating bansa, merong nakatira na isang Wise Old Man. He’s like a monk. He’s a… parang ‘yung nagme-meditate lang, nagre-reflect, at parating iniisip lang ang lahat ng kaalaman sa kalibutan. Merong batang-bata na gusto siyang test-ingin. “Marunong ba talaga ito?” So umakyat siya doon sa bundok. Napakahirap. May hawak-hawak siyang ibon. Sabi niya, “Wise Man! Wise Man! If you know everything, if you are truly wise, if you can truly foretell the future, tell me: This bird I have in my hand, is it dead or is it alive?” Buhay ba o patay itong hawak-hawak ko na ibon? Nag-isip ngayon si Wise Man. Nag-meditate siya. Ito ang kanyang sagot. Sinabi niya, “Young Man, as regards the life or death of that bird, kung sabihin ko sa iyo na buhay ‘yang ibon na hawak mo, hihigpitan mo ang hawak mo, masasakal ang ibon, hindi makakahinga, mamamatay. Mali ako.” Tama? “’Pag sinabi ko naman na patay ‘yang ibon na hawak mo, luluwagan mo ang hawak mo, hanggang makakalipad ang ibon, buhay na buhay. Mali na naman ako.” Tama? Kaya hindi ko masasabi sa ‘yo kung buhay o patay ‘yang ibon na hawak-hawak mo. Ang masasabi ko ay nasa sa kamay mo.” Students, faculty, administration of the University of the Visayas, mga kababayan: Your future is in [Buong paaralan: Your hands!] your hands. [Palakpakan]

Para sa atin, sa Daang Matuwid, ibinibigay po natin para hawak-kamay po ninyo ang kapalaran. Hindi kailangang sumipsip kahit kanino. Hindi kailangang may kakilala, padrino, or konek. Dahil lamang sa inyong talino, dahil lamang sa inyong pagsisikap. Dahil lamang sa inyong pagpupursige at sakripisyo, makakaahon kayo. Dahil bibigyan natin ng pantay na laban, pantay na pagkakataon, ang bawat mamamayang Pilipino, all 100 million of us, bawat pamilyang Pilipino na maisakatuparan ang ating mga pangarap. [Palakpakan]

Maraming-maraming salamat sa inyong lahat. Thank you for the opportunity. It’s a great honor for me to address our future, and I must say, it is a bright future indeed. Maraming salamat, at magandang hapon sa ating lahat! [Palakpakan]