Pinasinayaan ng Kalihim ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal Mar Roxas ang imbitasyon ng Solid Friends of Alfred Vargas bilang panauhing pangdangal sa isang pagpupulong sa Barangay Novaliches, Quezon City noong Sabado (Setyembre 5). Ang nasabing pagpupulong ay dinaluhan ng 2,000 tao kabilang ang anim na konsehal, 14 na kapitan ng barangay, 98 na kagawad at 138 barangay health workers.

Sa kanyang talumpati sa nasabing kaganapan, sinabi ni Roxas na nagsisimula nang maramdaman ng taumbayan ang epekto ng Daang Matuwid. Isa na rito ang pagtaas ng bilang ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) kung saan mas maraming pamilya ang nabibigyan ng pagkakataong makaahon sa kahirapan. Kaya naman kahit may mga pulitiko na pilit na tinutuligsa ang programa, sinabi ni Roxas na pilit niyang dedepensahan, papalawakin at itutuloy ang 4Ps.

tag2

Ibinida din ni Roxas ang mas pinadaling proseso ng pagpaparehistro sa PhilHealth. Sa tulong ng mga progresibong pinuno katulad ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, mas nasisigurado at mas napaiigting ang panukalang ‘100% coverage’ sa mga nakatakdang government health facilities. Wika ni Roxas, “’Pag ikaw nagkasakit, punta ka lang sa government health facility, agad-agad rehistrado ka sa PhilHealth. Sasagutin ng PhilHealth ang pangangailangan mo.” 

tag3

Sa pagwakas ng kanyang talumpati, pinuri ni Roxas ang magandang pamamalakad ng ilang opisyales sa pamahalaan ng Quezon City lalong lalo na ni Congressman Alfred Vargas na kailan man ay hindi nakalimot sa mga taong sumuporta at patuloy na sumusuporta sa kanya. Kasama ng mga nagsipagdalo, iniwan ni Roxas ang mga katagang “Alfred, we love you” bilang pagpuri sa kagalingan ng kongresista.