Ngayong umaga ay inanunsyo ng Iglesia ni Cristo ang pagtatapos ng kanilang kilos-protesta sa EDSA at nagsimula na silang magsiuwian.

Pinagsisikapan na ng PNP at ng iba pang ahensiya ng gobyerno ang pagbabalik sa normal ng ating mga daanan sa lalong madaling panahon.

Nagpapasalamat tayo sa mga kawani ng PNP, MMDA, sa local at barangay officials sa kanilang pakikipagtulungan sa gitna ng pagod, malakas na ulan at matinding init para manatili ang kaayusan.

There were many who wanted to exploit the protest for their personal ends, mahalagang naging mahinahon ang lahat para maiwasang may masaktan kung magkaroon ng kaguluhan.

Noong mga nakaraang araw ay tahimik na nakipag-ugnayan ang pamahalaan sa mga lider ng INC. Naging pagkakataon ito upang magkaroon ng paglilinaw ukol sa mga isyu.